Lanie's Pov: Nagmamadaling pumunta kami sa Intelligence Department at kahit na bawal ako doon ay sumama pa din ako kina Jackques at Page. Hindi na din naman ako sinaway ng kahit sino sa dalawa dahil sa pagmamadali nila at natuon na din ang atensyon nila sa pagkaka-activate ng lokasyon ni Wilemna. Dire-diretso ang pagpasok ni Jackques sa silid. Mabilks s'yang dumiretso sa isa sa mga upuang may kaharap na computer. Ganoon din ang ginawa ni Page. Dumiretso s'ya sa upuang para sa kanya. Sobrang tahimik ng Intelligence Department. Lahat ng agent ay nakatutok sa mga computer na nasa harapan nila. Walang maririnig kundi ang pagtitipa nila at pakiramdam ko ay nagpapabilisan talaga sila sa pagtitipa sa keyboard. Tahimik din lang akong nagmamasid sa kanila. Lumapit lang ako sa may likuran ni Jav

