Wilemna's Pov: Sinapo ko ang parte na tumama sa kanto ng lamesa. Sinubukan kong lumapit sa lalaki pero dahil sa sakit na nararamdaman ay halos hindi ako umusad. "Leo..." Luhaang tiningala ko ang lalaki. "Please... H-Huwag mong gawin ito." Humalakhak nang napakalakas ang lalaki. Tawang-tawang tiningnan n'ya ako. Nasa mukha n'ya ang sobrang pagtataka na tila ba ay hindi n'ya mapaniwalaan ang ipinapakiusap ko. Lumapit s'ya sa akin at patingkayad na pumwesto sa harapan ko. "Why? Hindi ba at gusto mo ding makita ang demonyong iyon? Ibibigay ko na ang gusto mo. Hindi ba at dapat ay masaya ka?" Umiling-iling ako. "P-Please..." He looked at me surprisingly. "Why? Dahil ba tama ako? Dahil kahit malaman n'yang hawak kita at matagal na kitang itinatago ay mas uunahin pa din n'ya ang microchip n

