Yshmael's Pov: "Kath..." Agaw ko sa atensyon ng babaeng kanina pa palakad-lakad. Hanga na nga ako sa kanya dahil mukhang ako lang ang nahihilo sa ginagawa n'ya. Pagkarating ko pa lang buhat sa Hespheria ay naghihintay na sa labas ng silid ko si Kathleen at hanggang ngayon nga ay nandito pa din s'ya. Dito na n'ya ako hinintay na matapos maligo at kanina pa s'ya ganito. Naikot na nga n'ya yata ang buong silid. "Kathleen," muling tawag ko sa kanya. "Pwede bang tumigil ka na sa kakalakad? Nahihilo na ako sa 'yo. May problema ka ba?" Inis na humarap s'ya sa akin at namaywang. "Hindi ko lang maintindihan, bakit kinailangan mong bumalik sa Hespheria sa kaparehong araw na nagbalik doon ang babaeng iyon?" Nangunot ang noo ko. Nahihirapan talaga akong basahin ang mga babae. Ang hirap din nila

