Lanie's Pov: Totoo nga pala na ang isang bagay, kahit pa sobrang tagal mong hinintay na dumating ay maaaring mabilis na mawala. Iyong araw na pinakahihintay ng lahat ay maaaring maging isa palang araw na katatakutan ng lahat. Tulad ng isang bangungot. Iyon ang napatunayan ko kahapon. Sobrang tagal naming hinintay na mapasakamay namin ang mga bagay na makakapagpabagsak kay Juan Luiz at sa Incubus ngunit kahit nagtagumpay kami ay parang natalo pa din kami. Saksi ang bawat agent ng Prime Crime sa naging laban ng isa't-isa para makarating kami sa ganitong sitwasyon ngunit nawalan iyon ng saysay. Ang kasiyahang naramdaman namin kahapon ay ilang sandali lang at agad na nawala. Nasa amin na ang mga ebidensya ngunit hanggang ngayon ay pinaghahanap pa din ng International police si Juan Luiz

