Lanie's Pov: Humihimig pa ako habang naglalakad sa hallway ng mansyon. Ilang agents din ang nakasalubong ko na bahagya pang natataka dahil binati at nginitian ko. Maganda ang mood ko at ramdam na ramdam ko ang aliwalas ng panahon. Bukod sa hindi ganoon kasakit ang init na ibinibigay ng araw kahit pa tirk na tirik iyon ay malamig din ang hanging umiihip. Napatigil ako sa paglalakad nang madaanan ang isang malaking bintana. Lumapit ako doon at nakapikit na sinamyo ang sariwang hangin. May kasama pa ngang amoy ng mint iyon dahil sa ilang Eucalyptus tree na nasa malapit. Ni hindi nawala ang ngiti ko kahit na dumampi sa mukha ko ang init ng araw. Kahit iyon ay tila tuwang-tuwa at kontento sa ganda ng panahon. Ilang beses ko nang nakita ang bahaging ito ng mansyon at lagi kong nakikita ang

