Nonanette's Pov: "Hi..." Napasulyap ako sa babaeng pumasok sa silid ko. Nawala na yata talaga ang lakas ng pakiramdam ko dahil hindi ko man lang s'ya naramdaman. Ni hindi ko alam kung kumatok ba s'ya o ano. Ni hindi ko nga narinig na bumukas ang pinto. "I'm sorry kung pumasok na ako," she said. "May check-up din kasi ako dito at kailangan ko pang maghintay sa result ng test..." Tumango na lang ako at inilahad ang upuang malapit sa kama ko. "You can sit here." Tila nahihiya pa s'ya nang maupo sa upuan. Kaagad na luminga s'ya at pinagmasdan ang kabuuan ng silid na inookupa ko dito sa El Trinidad's Hospital. There's something wrong with my body, at iyon ang dahilan kung bakit matapos ang pagkaka-activate ng mga microchips ay na-confine na ako dito. Kahit nga noong ma-rescue ako ng ka

