Dustin's POV "Dre, anong problema ng bossing mo?" Tanong sa akin ni Cire habang inaayos namin ang mga instruments na gagamitin namin sa pagtugtog mamaya. Tinignan ko naman si Chase na nakaupo mag-isa sa bench at tila malalim ang iniisip. "Oo nga eh. Ano kayang problema niyan Cire?" Balik tanong ko rin kay Cire. Ngunit imbis na sagutin ay isang malutong na kotong lang ang natanggap ko sa kanya. "Aray! Putek! Ano bang problema mo?!" "Kung alam ko ang sagot, sana hindi na ako nagtanong sayo! Bobo." Sabi nito kaya siya naman ang nakatanggap ng kotong sakin. "Aray! Para saan naman yun?!" "Mas bobo ka, gago! Bakit ako ang tinatanong mo?! Ako ba siya? Ha?! Ako ba?!" "Hindi! Bakit? Sinabi ko ba na ikaw siya? Ha?! Hindi naman diba? Nagtanong lang ako diba?! Bakit? Bawal magtanong?!" Malakas

