Chase’s POV Time Check: 9:26 PM Nandito ang buong DP sa kwarto ko ngayon. Lahat kami ay naghahanda para sa laban namin mamaya ng Silver Chains at hinihintay nalang ang pagdating ni Sean para sabay-sabay na kaming pumunta sa field. Yes, tonight is the fight night. Ngayon na malalaman kung sino ang mas malakas na grupo, kung sinong grupo ang magkakamit ng parusa, at kung sino saming dalawa ni Haley ang mananalo sa pustahan. "Tol nakuha na pala ng White Fang ang Laguna?" Narinig kong kwento ni RJ kay Cire. "Oh? Badtrip! Yun pa naman ang gusto kong makuha pagtapos natin sa Batangas." Sagot naman ni Cire. Teritoryo ang pinag-uusapan nila kung hindi niyo maintindihan. Ibig sabihin, teritoryo na rin ngayon ng White Fang ang Laguna. "Matalino rin talaga si Serrano, no? Alam niya ang mga lug

