NAPANGIWI ako nang gumuhit sa aking lalamunan ang alak. Sanay akong uminom pero nabigla lang talaga ako sa mga sinabi ni Thaddeus. Hindi lang ngayon kundi kanina. Ang bilis, sobra. Napakabilis ng mga pangyayari. Parang kagabi, nang maamoy ko ang ang wagas na pag-ibig sa puso niya ay plinano ko lang siya na paaminin. Ngunit hindi ko na pala kailangan pang magpakahirap na gawin iyon dahil siya na ang kusang umamin dahil sa selos niya kay Damian. Masaya ako dahil sa mga nangyayari pero may Damian kasi na umeksena na nagsasabing mahal din ako at alam kong totoo iyon dahil naaamoy ko ang puso niya. Alam ko naman na masasaktan siya kapag binasted ko siya. Alam kong masakit iyon sa ego niya bilang isang gwapong lalaki. At para hindi siya masyadong masaktan kung sakali, mas mabuti na rin na idaan

