KABANATA XXIX

1212 Words

BAHAGYANG umatras si Thaddeus sabay pitik sa noo ko. Napa-aray tuloy ako habang sapo ang akong noo. “Ano bang pinagsasabi mo? Nilalagnat ka ba, Esha? Hindi kita mahal!” Diretsong sagot niya pero amoy na amoy ko naman ang puso niya at hindi iyon pwedeng magsinungaling. Itinuro ko ang puso niya. “Aswang ako, Thaddeus. Nalalaman ko kung umiibig ba sa akin ang isang lalaki sa pamamagitan ng amoy ng puso niya. At alam mo ba ang amoy ng puso mo?” “A-ano?” “Amoy hinog na langka! At iyon ang amoy ng tunay at wagas na pag-ibig! Kaya umamin ka na sa akin na mahal mo ako.” “Kalokohan! B-baka naman may tanim na langka ang kapitbahay at iyon ang naaamoy mo!” “`Wag ka na ngang magpalusot pa! Ang bango-bango ng puso mo! Mahal mo na ako, e!” giit ko pa. “Bahala ka na nga diyan! Matulog ka na lang!”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD