“SALAMAT nga pala kasi tinulungan mo ako sa pagdidikit at pamimigay ng flyers.” Pasasalamat ko kay Damian nang ihatid niya ako sa gate ng bahay ni Thaddeus. Huminto kami saglit sa tapat niyon para makapag-usap saglit. Ngumiti siya sa akin. Amoy na amoy ko pa rin ang puso niya kahit na hindi ako ganoon kalapit sa kanya. Haaay… Kailan kaya mag-aamoy hinog na langka ang puso ni Thaddeus? Parang ang hirap naman kasi niyang paibigin. Marahil ay talagang nasa namatay niyang kasintahan pa rin ang puso nito. “Wala iyon. Ikinagagalak ko na makatulong sa paghahanap sa kaibigan mo. Sana ay mahanap mo na siya.” “Sana nga kasi miss na miss ko na siya. Sige, dito na lang. Papasok na ako sa loob. Salamat ulit, Damian.” “You’re always welcome, Esha.” Alam na niya ang pangalan ko. After kasing maubos

