“KAILANGAN ko nang i-report sa pulis ang pagkawala ni Malena. Aalis muna ako!” Umagang-umaga ay nasa salas kami nina Thaddeus at Manang Britney dahil pinag-uusapan namin ang bigla at misteryosong pagkawala ni Malena kagabi sa may damuhan. Iyak nang iyak si Manang Britney kagabi pa. Masyadong malupit yata ang tadhana sa mag-inang ito. Pinagtagpo nga pero nawala naman ang anak. Ako din naman ay nag-aalala kagabi pa. Kung pwede nga lang na mag-transform ako sa pagiging aswang para mas tumindi ang senses ko, aamuyin ko talaga kung nasaan si Malena para matapos na ang problema naming ito. Iyon nga lang, tatlong linggo pa bago maging bilog muli ang buwan. Matagal pa iyon at hindi ko na mahihintay ang tatlong linggo bago siya mahanap. Pagtayo ko ay hinawakan ako ni Thaddeus sa kamay. “Esha, wa

