HINDI ko talaga inaasahan na sasama sa amin ni Malena si Thaddeus sa paghahanap ng aswang. Baka naman nag-aalala siya sa akin na baka mapahamak ako? Concerned na ba siya sa akin? Ibig bang sabihin nito ay… nagkakagusto na siya sa akin? Habang nag-uusap kami ni Malena ay nakatuon ang mata ko sa likod ni Thaddeus. Ngayon ko lang napansin na lalaking-lalaki siyang tignan kahit nakatalikod. At ang pwet niya… ang tambok! Kitang-kita ang katambukan niyon lalo na’t manipis na pajama lang ang suot niya tapos kapag humahakbang siya ay bumabakat ang brief niya. Parang ang sarap-sarap naman niyaaa!!! Ay, mahalay na aswang ka, Esha! Tigilan mo nga ang kamanyakan mo! Sita ko sa aking sarili. Maya maya ay may nasagap ang ilong ko. Isang kakaibang amoy. Siyempre, bilang isa pa rin naman akong aswang a

