NALILITO na binitiwan ni Thaddeus ang balikat ko at napaatras siya. Gulong-gulo ang mukha na tinignan niya ako. Hindi ko malaman kung nagulat, natakot o nandiri ba siya nang sabihin ko sa kanya ang totoo-- na isa akong aswang. Ano pa nga ba ang magagawa ko kundi ang umamin? Nasukol na niya ako. Nakita na niya ang kakayahan ko bilang aswang na hindi kayang gawin ng normal na tao. Wala sa hinagap ko na mangyayari ito ngayong gabi. Hindi ko inaasahan ito kaya magulo rin ang utak ko. Ang akala ko ay mahuhulog na ngayong gabi sa akin si Thaddeus dahil iyon ang plano ko talaga. Pero ano ito? Bakit napunta sa pag-amin ko kay Thaddeus na isa akong aswang? Kasalanan siguro ni Lala! Ang babaeng dede siguro ang nagdala ng kamalasan sa aking ngayong gabi. Ah, hindi. Wala akong dapat sisihin. Marahil

