BAKIT? Bakit? Bakit?! Bakit imbes na si Thaddeus ang magkagusto sa akin ay kabaligtaran ang nangyari? Ako ang umibig sa kanya. Bakit nangyari ito? Bakit hindi ko napigilan ang aking puso na tumibok para sa kanya?! “Anong gagawin ko, Malena? Ayokong umalis dito…” Ungot ko kay Malena. “Naku, Ma’am Esha, mahirap kalaban ang puso. Titibok at titibok iyan at wala ka nang magagawa kundi sundin ito…” “Teka, kanta `yon, a!” “Kanta nga po… Kung tungkol naman sa kung ano ang gagawin mo. Wala na rin po tayong magagawa kundi sundin si Sir Thaddeus sa gusto niya. Aalis na tayo dito. Mamaya I-tsismis pa niya sa kapitbahay na aswang ka, masugod ka pa dito…” Sa totoo lang, may point si Malena bukod sa itsi-tsismis ako ni Thaddeus. Hindi naman siguro siya ganoong tao. Wala sa pagkakakilala ko sa kany

