“ANG ganda naman ng pangalan mo, Esha. Bagay na bagay sa’yo!” puri sa akin ni Glutah. “Salamat. Teka, bakit ngayon lang yata kita nakita?” tanong ko naman. Malakas siyang tumawa. “Nagpahinga kasi ako. Nagpaturok kasi ako ng gluta.” “Gluta? Ano naman iyon?” “Iyong pampaputi. Pero hindi pa siya umeepekto. Soon pa siguro!” sabay tawa ulit. “Sige na, aalis na ako. Basta, friends na tayo, ha!” “O-okay…” Nakangiwi kong tugon. Tatalikod na sana siya pero bigla siyang humarap ulit. “Oo nga pala. Mag-ingat kayo. May gumagala daw yatang aswang dito. Ang tsismis kasi sa akin ni Badeth na kasambahay ni Mrs. De Guzman ay may pumatay daw sa mga alagang kabayo ni Mrs. Perez! Wakwak daw ang tiyan at labas ang lamang-loob. Sige, alis na talaga ako!” aniya at tuluyan na siyang umalis. Medyo hindi ko

