KABANATA X

1293 Words
BUMALIKWAS ako ng bangon sa sinabing iyon ni Malena. “Babaguhin? Bakit may problema ba sa aking hitsura at pananamit?” tanong ko sa kanya. Nakapameywang pa talaga ako. “Real talk, Ma’am Esha? Oo, may problema. At hindi lang basta problema kundi isang malaking problema.” Nilapitan niya ako at hinawakan ang aking buhok. “Walang kabuhay-buhay ang buhok niyo. At hindi ka marunong mag-make up. Ang putla ng mukha mo. At ang pananamit mo, mukha kang mangkukulam dahil palagi kang nakasuot ng mahaba at itim na damit. Hindi ka magugustuhan ni Thaddeus kung ganiyan ang hitsura mo.” Mariin akong umiling. “Hindi! Hindi ako papayag na--” “Hep… Ang sabi niyo ay susundin niyo na ako. Gusto mo bang mahalin ka ni Thaddeus o hindi?” “G-gusto!” “Kung ganoon ay sumama ka sa akin, Ma’am Esha…” “Saan naman tayo pupunta?” “Basta. Magpapaganda…” aniya. Pinaligo lang niya ako at pinagbihis. Siguro nga ay dapat na lang akong makinig kay Malena. Alam ko naman na wala siyang ibang gusto kundi ang mapaibig ko si Thaddeus upang mamatay na ako at mapunta na sa kanya lahat ng kayamanan ko. SA isang mall ako dinala ni Malena. Mall. Iyon daw ang tawag sa lugar na iyon. Halos kasing laki ng aking mansion ang lugar na ito. Malamig at maraming tao. Paroo’t parito sila at hindi ko mawari kung saan ba sila pupunta. Dahil ngayon lang ako nakalabas ng aking mansion at napunta sa mall ay labis ang aking pagkamangha. Panay ang tingala ko at tingin sa paligid. “Ma’am Esha, pwede ba `wag kang tingin nang tingin kung saan…” sabi sa akin ni Malena habang naglalakad kami. “Bakit naman? Ang ganda kasi ng lugar na ito! Nakakamangha! Ang daming tao at mga bagay na magaganda.” “Nagmumukha ka kasing tanga… `Wag kang magpahalata na ngayon ka lang nakapasok ng mall.” “Anong sinabi mo? Ako? Tanga?!” “Whatever, Ma’am Esha. Sa second floor po tayo. Naroon ang bilihan ng mga damit.” Sumunod na lang ako kay Malena at hindi na nagsalita pa. Siya ang mas nakakaalam sa lugar na ito kesa sa akin kaya susunod na lang ako sa kanya. Aakyat na sana kami sa isang hagdan nang matigilan ako. Labis akong namangha sa hagdan dahil umaandar iyon paitaas. Sa kabila naman ay pababa. “Anong klaseng hagdan ang mga ito?! Gumagalaw!” Manghang-mangha sabi ko. Narinig ko ang tawanan ng mga tao na nakarinig sa sinabi ko pero hindi ko na lang sila pinansin. Pasimple akong kinalabit ni Malena. “Ma’am Esha, please lang. `Wag ka na lang magkomento sa mga nakikita mo…” Napapahiya niyang sabi. Halos nakayuko na siya. “Bakit? E, sadyang nakakamangha ang hagdan na ito! Bakit hindi mo sinabi sa akin na may ganito palang bagay sa labas ng mansion? Pag-uwi natin doon ay papalitan natin ng ganito ang lahat ng hagdan doon! Ipaalala mo lang sa akin.” “Hay naku… Banong aswang…” bulong niya. “Anong sabi mo?” “Wala po. Ang sabi ko, umakyat na tayo. Ihakbang niyo lang ang paa niyo. Sabayan niyo ako…” “Sige!” Parang bata ang ngiti sa aking labi. Excited akong sumakay sa gumagalaw na hagdan dahil first time kong gagawin ito. Nang humakbang si Malena sa umaandar na baitang ay sumunod lang ako sa kanya. Muntik pa nga akong matumba, mabuti na lang at nakakapit ako sa hawakan sa gilid. Hindi ko malaman pero ang saya-saya ko nang nakasakay na ako doon. Hindi ko na kailangang ihakbang ang aking mga paa dahil kusa na akong dadalhin ng hagdan sa itaas. Medyo pinagtitinginan na ako ng ibang tayo kaya tinanggal ko ang aking ngiti. Act normal, Esha… Act normal! Sabi ko sa aking sarili. Umayos ako ng tayo at muling semeryoso. Baka isipin ng mga tao ay ignorante ako. Narating na namin ang itaas at very proud ako sa sarili ko dahil walang nangyaring aberya. “Malena, ano ba ang tawag sa umaandar na hagdan na iyan?” tanong ko. “Escalator po, Ma’am Esha…” “Ah. Escalator pala.” “Ga’no ba kayo katagal nagtago sa lungga niyo at parang naiwanan ka na talaga ng panahon?” “Matagal na matagal! Dahil ayoko nang ma-attach sa mga tao dahil iniiwan din nila ako kapag namatay sila. Mabuti pa ang mag-isa.” “`Sus… E, bakit niyo ako kinuha bilang kasambahay?” “Hay naku, Malena! Pwede ba, `wag nang maraming tanong!” Kunwari ay naiirita kong sabi. “Ikaw kaya unang nagtanong diyan… Tapos kapag ikaw ang tinanong, naiirita ka…” “Stop it! Maaari bang magtungo na lang tayo sa sinasabi mong bilihan ng mga damit?” “Okay, sabi mo, e. Sumunod ka na lang sa akin…” Nagpatiuna na siya sa paglalakad habang nakasunod ako. Pasimple akong tumitingin sa paligid. Pinag-aaralan ko ang lahat ng nakikita ko lalo na ang ginagawa ng mga tao para sa susunod ay alam ko na ang aking gagawin. Hay… Napakabilis talaga ng pagbabago sa mundo. Noong huling beses na lumabas ako sa mansion at magtungo sa ibang lugar ay mas marami pa ang puno at kagubatan kesa sa mga bahay at establishimento. Pero ngayon, ibang-iba na. Sa labas ay ang daming sasakyan at nagtataasan na mga gusali. Halos wala na ang mga puno. Kung meron man ay iisa o nag-iisa lang. Walang katabi na ibang puno. Hindi na rin sariwa ang hangin dito. Mausok masyado. Nangungulila tuloy ako sa aking mansion na nasa gitna ng gubat. Doon ay sariwa ang hangin at hindi ka matatakot huminga. Napatigil ako sa aking paglakad nang huminto si Malena sa harapan ng isang tila eleganteng tindahan ng mga damit. “Dito po tayo bibili ng mga damit niyo…” aniya. Tumango lang ako at pumasok na kami sa loob. “Tumingin-tingin po kayo tapos kapag may nagustuhan kayo, sabihin niyo lang sa akin…” “Sige…” sabi ko. Inumpisahan ko nang tignan ang mga damit na naka-display doon. Habang ginagawa ko iyon ay napansin ko na panay ang sunod sa akin ng isang sales lady. Mabalasik ko siyang tinignan dahil naiirita ako sa pagsunod niya pero poker face lang siya. Hinayaan ko na lang siya at nag-focus sa pagtingin sa mga damit. Pero wala akong magustuhan kahit isa! Ang ninipis at halos wala nang telang ginamit! Ganitong uri ba ng kasuotan ang ipapasuot sa akin ni Malena upang magustuhan ako ni Thaddeus?! Parang mga panloob ko na ang mga ito, e! Sinitsitan ko si Malena at agad naman siyang lumapit. “Wala akong magustuhan sa mga damit na narito! Ang iiksi! Ang ninipis! Gusto mo bang magkaroon ako ng sipon, Malena?!” asik ko sa kanya. Itinirik ni Malena ang kanyang mga mata. “Ma’am Esha, ganito na po ang uso ngayon. Kung gusto mong magkagusto sa inyo sa Thaddeus, kailangan niyon magsuot ng mahahalay na mga damit…” Nanlaki ang mga mata ko. “Mahahalay?!” Luminga ako at itinuro ang isang babae na nakasuot ng blouse pero kita ang pusod at shorts na mas mahaba pa ang bulsa kesa sa mismong shorts. “Ganoong uri ba ng kasuotan ang tinutukoy mo?” Tumango siya. “Opo. Bakit? Ayaw niyo?” “Ayoko, Malena! Ang gusto ko ay maging kaakit-akit ngunit may dignidad at respeto pa rin sa aking p********e. Naiintindihan mo ba?” “Okay. Fine. Next store na lang tayo…” “Mabuti pa nga…” Pagsang-ayon ko sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD