Chapter 12

2435 Words
Kinuha ni Mira mula sa loob ng papaerbag ang kulay itim na length knee dress at sinipat iyon. May formal dinner daw kasi silang dadaluhan sabi ni Zeon sa kanya bago ito lumabas sa hotel suite na inuokupa niya.        They are in Greece at that moment. Hindi niya alam kung paano sila nakalusot sa immigration dahil wala naman siyang dalang passport at iba pang dokumento. But knowing Zeon Funtellion, his name is powerful enough para makapasok sila sa bansang iyon. Everything about him is illegal—literally and figuratively.        Ibinaba niya ang dress na hawak-hawak dahil hindi niya gusto ang tabas at design niyon. It was a turtle neck dress at mahaba pa ang manggas. Paniguradong maghe-hestirikal si Jamaica kapag nakita nito ang dress. Her best friend is a fashionista. At mukhang nahawa na siya dito dahil nilalait niya na rin sa isip ang damit na iyon.        Masyadong manang ang dating. Sino naman kaya ang bumili ng dress na iyon? Hindi niya maisip na si Zeon kahit ito pa ang nag-abot niyon sa kanya. Itinapon niya sa ibabaw ng kama ang itim na dress at nilapitan niya ang kanyang maleta.        May nakita siyang magandang dress sa walk-in-closet noong isang araw. Napangisi siya nang makitang nailagay iyon ni Ms. Eldora sa mga damit niyang inempake nito. Kinuha niya iyon at sinipat.        Nang makitang bagay nga iyon sa kanya, inilagay niya iyon sa ibabaw ng kama bago pumunta sa loob ng banyo para maligo.        They arrived at Greece at exact four in the afternoon. Pagkalapag ng eroplano sa isang pribadong paliparan, they picked up by the black limousine. Hindi na niya nagawang tingnan ang mga tanawin na nadaanan nila dahil sa sinabi sa kanya ni Zeon bago lumipad ang eroplanong sinasakyan nila. She is not ready to do that.        She is no boyfriend since birth of a girl. At least that is what she believed. Ang sabi sa kanya ni Jamaica, may naging boyfriend daw siya noong high school siya. Pero hindi niya iyon pinaniwalaan dahil bukod sa wala siyang naaalalang ganon, she was also nerd in high school. Aloof at hindi pala-ayos sa sarili. Walang papatol sa kanya!        Papalubog na ang araw nang makarating sila sa hotel na tinutuluyan nila ngayon. At sa kanyang pagkamangha, the hotel named Almeradez Hotel. Looks like the owner of that hotel is one of a heck wealthy man. Nagkalat ang branch ng hotel nito sa iba’t ibang panig ng mundo.        Halos kinse-minuto siya sa loob ng bathroom. Wala siyang nakitang bathrobe sa loob ng banyo ngunit mayroong towel na maayos na nakasalansan sa isang tabi. Kinuha niya iyon at ibinalot sa sarili bago lumabas ng banyo.        Nakahinga siya nang maluwag nang makitang walang tao sa loob ng kwarto maliban sa kanya. Wala siyang ideya kung saan pumunta si Zeon at wala siyang paki-alam kung saan ito sumuot. It is better that way. Nagkakaroon siya ng peace of mind kapag hindi niya ito nakikita.        Madilim na ang kalangitan nang sumulyap siya sa ceiling to floor glass wall ng kanilang suite. At mula sa kinaroroonan niya, kitang-kita ang mga ilaw sa lungsod na mistulang mga bituin sa madilim na gabi. It calms her nerves, somehow.        Ang alam niya, winter season ngayon sa bansang Greece. It is nearly Christmas, that’s why. There is no snow pero sadyang malamig ang paligid.        Well, hindi siya mapipigilan ng lamig ng paligid para suotin ang dress na napili niya. Saka isa pa, may nakita naman siyang scarf at coat sa loob ng paperbag na ibinigay sa kanya ni Zeon.        Isinuot niya ang dress at pinaresan niya iyon ng kanyang four-inch stilletos. Mataas na ipinusod niya rin ang kanyang buhok at nag-apply ng lip gloss at blush-on sa mukha. Nang ma-satisfy siya sa kanyang itsura, sakto naman na narinig niya ang pagbukas ng pinto ng kwartong kinaroroonan niya.        “The devil is here,” she murmured under her breath as she rolled her eyes.        “What are you wearing?” bungad na tanong sa kanya ni Zeon nang makita nito ang suot niya, kunnot ang noo at matalim ang tingin. She’s wearing a silver backless dress. Abot hanggang gitna ng kanyang hita ang haba niyon. Sleeveless ang damit kaya litaw ang kanyang likod at balikat. And her high pony-tail emphasize her seductive neck and collarbone.        “A dress. You don’t know fashion so shut up,” sagot niya dito at kinalkal sa loob ng paper bag ang coat at shawl.        “Hindi iyan ang damit na ibinigay ko sa ‘yo kanina.” Marahas na pinulot nito ang dress na ibinigay nito sa kanya kanina at inabot sa kanya.        She rolled her eyes when she saw him eyeing her dress dissaprovingly.        “Hindi ako magsusot n’yan. Hindi ako manang, pwede ba?” She crossed her arm at sinalubong ang iritadong tingin ni Zeon.  “Don’t you ever insist na iyan ang susuotin ko. I am fine with I am wearing.”        “But I don’t,” sagot nito. “And do you even realize that it’s winter season in this country?”        “Huwag mong paki-alaman ang suot ko. I’ll wear this or I am not coming with you. I’m telling you Zeon Funtellion, mag-aaway lang tayong dalawa,” irap niya. Somehow, nakakapagod din na makipag-away siya rito. Simula nang kinidnap siya nito, palagi na lang silang nagsasagutan sa tuwing magkikita silang dalawa.        Ilang segundo siya nito tinitigan na para bang may gusto itong sabihin sa kanya, but he decided not to. He heard him sighed before leaving in front of her. Tahimik na sinundan niya ito ng tingin at pinanood na kumuha ito ng white long-sleeve sa loob ng closet na naroroon.        Agad na nai-iwas niya ang tingin nang walang sabi-sabing naghubad ito ng damit sa harapan niya. Namula ang kanyang pisngi nang masulyapan niya ang namumutok na abs nito. She suddenly has the urgue to run her fingers on those heat-inducing abs of his.        Jeez! Since when did she become a pervert with perverted toughts. Ipinilig niya ang kanyang ulo para maalis ang mga hindi kanais-nais na imahinasyon na tumatakbo sa kanyang utak. Akmang isusuot niya ang coat nang may mga kamay na umgaw roon at ito na mismo ang nagpatong niyon sa kanyang balikat.        Then, she felt a pair of strong arms snakes around her waist. Zech Leon is hugging her from behind and she could feel his hot minty breath fanning on her ear.        “This is a warning, Mira.  Behave when we got there. I don’t want you to make anything stupid.”        Naghatid ng kakaibang kilabot at kiliti ang mainit nitong hinininga na tumatama sa kanyang tainga.  And his husky and deep voice is not helping to stop the heat that she starting to feel. It was strange and she like and hate it at the same time.        Tinangka niyang alisin ang kamay ni Zeon mula sa pagkakapulupot sa kanyang baywang ngunit mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakakapit niyon. And Zeon even put the tip of his nose on her neck, smelling her—no, he literally sniffing her neck.        Nahigit niya ang kanyang hininga nang pinalandas nito ang ilong mula sa kanyang leeg patungo sa kanyang tainga at pababa muli sa kanyang leeg. Ilang ulit iyon hanggang tila nagsawa ito at pumirmi muli sa kanyang leeg. Napalundag siya sa kanyang kinatatayuan dahil sa boltahe ng kuryente na dumaloy sa kanyang sistema nang dampian nito ng halik ang kanyang leeg.        “W-What…what are you doing,” it was supposed to be a protest but ended up with a nervous voice. Mariin na nakagat niya ang pang-ibabang labi nang maramdamaan niya ang labi nito na gumalaw and his mouth suck her neck’s skin…erotically. He even gave it a gentle bite. Hindi iyon masakit bagkus, naghatid iyon ng kakaibang kiliti hanggang sa kaibuturan niya. His right hand let go of her waist and caress her arm up to her shoulder. Humaplos pa iyon hanggang sa expose niyang likod.        “I’m marking what is mine,” he answered as he let go of her neck. “Your back is being scandalous. Better tell those bastards to back off.”        Napakunot-noo siya sa tinuran nito. Ngunit sa huli ay ipinagkibit-balikat niya lamang iyon, thinking that he was being weird. Nang muli niyang tinangkang alisin ang kamay nito sa kanyang baywang ay hinayaan na siya nito.        Hindi niya ito nilingon nang nagpatiuna na siyang palabas sa kwarto ng hotel. Hindi niya nagugustuhan ang nagiging epekto sa kanya ni Zeon. Tinatraydor siya ng sarili niyang katawan.        Hindi na siya umimik nang sumakay sila sa elevator patungo sa ground floor ng hotel kung saan naroroon ang limousine na sasakyan nila. Gayunpaman, ramdam niya ang titig sa kanya ni Zeon na nasa kanyang likuran.        Gayundin sa byahe nila patungo sa kung saan. She kept her mouth shut and looking at everywhere but the man beside her. Hindi niya man lang niya ito tinapunan ng tingin at tanging ang mahinang tugtog lamang na nanggaling sa drivers’ seat ang naririnig nila.        Hindi niya lubusang nasasagap ang mga salita sa lyrics ng kanta dahil sa divider na nakapagitan sa upuan nila at sa driver’s seat, ngunit nadadala siya ng tono ng kantang iyon.        Tumagal ng halos trenta-minutos ang kanilang naging byahe bago niya naramdaman ang pagtigil ng sasakyan. She tried to take a peek outside the window on her side, but an opening enormous gate was what she could only see.        Ang tunog niyon ay tila tarangkahan ng isang palasyo. Sa tulong ng ilaw nanggaling sa isang poste, nakita niyang pinaghalong kulay itim at ginto ang kulay ng gate.        May lumapit sa sasakyan nila. Two men that were holding high-calibered guns talk to the driver of the limo. Naglakad palibot sa sasakyan ang isa sa dalawang lalaki. Noong una, hindi niya pa naintindihan kung ano ang ginagawa nito. But when she saw him holding a black-like stick, hindi niya naiwasang mamangha sa higpit ng seguridad ng lugar.        The man is holding a bomb detector. Now she wonders kung sino ang nagmamay-ari ng lugar na kinaroroonan nila.        Hindi tumagal ng dalawang minuto ang pag-inspeksyon. Muling umandar ang sasakyan at kahit papano ay malaya niyang napagmasdan ang dinadaanan nila dahil sa mga ilaw na nakakabit sa magkkabilang gilid ng drive way.        Mahaba ang driveway at bermuda grass ang nakalatag sa magkabilang tabi. Natataniman iyon ng ilang punong-kahoy na bilang lamang sa daliri ang dami.        Literal na napa-awang ang kanyang bibig nang makarating sila sa harap ng mala-palasyong bahay. A victorian style of a mansion is in front of her very own eyes. Mas malaki pa iyon sa mansion nina Zeon na pinagkulungan nito sa kanya.        But what really caught her attention is the gorgeous fountain just in front of the front door. The fountain has a statue of a woman holding a jar. Kumikinang ang tubig na bumabagsak mula sa jar na hawak ng babae, sa bawat tama ng liwanag na naggaling sa mansion.        Naalis ang tingin niya sa fountain nang biglang bumukas ang higanteng front door ng mansion. It was made of high quality of wood. May isang lalaking nakasuot ng tuxedo ang lumabas roon. Ito ang nagbukas ng pintuan na nasa tabi niya. The man offers his hands with white gloves to her.        Nang akmang kukunin na niya iyon, saka naman inilayo ng lalaki ang kamay at magalang na yumuko. Hindi sa kanya kundi sa lalaking kasama niya kani-kanina lang sa loob ng sasakyan. Zeon offers his hand. Bu instead of getting it, hindi niya ito inintindi at tinulungan ang sariling lumabas ng limousine.        Inayos niya ang coat sa pagkakasabit sa kanyang balikat nang nahulog ang kanang kwelyo niyon sa kanyang braso dahilan para ma-expose ang kanyang balikat. She felt the cold weather of Greece as the wind blows against her shoulder.        Naramdaman niya ang pagpulupot ng kamay ni Zeon sa kanyang baywang na ikinalingon niya ito. Blangko ang mukha nito habang nakatingin sa harapan.        “Behave, Mira,” anito sa kanya na hindi man lang siya binigyan ng sulyap.        Hindi niya ito sinagot bagkus ay nagpatangay lamang sa hawak nito at humakbang na rin patungo sa loob ng mansion. She felt like she was literally in the palace because of the wide receiving area that they are in.        May malaki at maliwanag na chandelier sa ceiling na nagbibigay ng liwanag sa paligid. Paintings are neatly displayed on the wall. May nakilala pa siyang isang painting na nakita niya noon sa magazine na ipinagbili sa isang auction. At ayon sa article na nabasa niya, hindi biro ang halaga niyon. It cost half billion in euro.        At higit sa lahat, ang engrandeng hagdan ang mas nakapagpatingkad sa interior design ng bahay. Katulad ang hagdan na iyon sa mga palasyo sa pelikula kung saan bumaba ang prinsesa at sasalubungin ng prinsipe sa pinakahuling baytang ng hagdan.        But right now, it is not a princess that was currently descending the stairs. Instead, it was a tall man on his early fifties. May hawak-hawak itong tungkod habang nasa likod ang ilang lalaki na nakasuot ng tuxedo katulad ng matanda.        Despite of his age and cane, hindi pa rin maikakaila na gwapo ito noong kabataan nito. And his mere presence screams danger and power. And his features resemble the man beside her. Saglit siyang napasulyap kay Zeon na parang tuod na nakatayo sa tabi niya.        Nang muli niyang ibinalik ang tingin sa matanda, nasa huling baytang na ito ng hagdan at nakatutok na lamang ang paningin sa kanila.        “Magandang gabi, Zech Leon. Isa ito sa mga pambihirang pagkakataon. Dinala mo siya sa bahay na ito,” malalim ang boses nito ngunit katulad kay Zeon, wala iyong emosyon. Suddenly, she felt goosebumps inside her.        “Good evening, Sir Amedeus,” bati ni Zeon sa matandang lalaki. “Of course, the ceremony is near.”        Ceremony? What ceremony? Sinasabi niya na nga ba at may paggagamitan ito sa kanya. Gusto niya sanang ibuka ang bibig upang magtanong ngunit muling nagsalita si Zeon.        “This is Mirethea Montes, my fiancée,” pakilala nito sa kanya. “And Mira,” he looks at her, “this is my Amedeus Funtellion, my father.”        Napatingin siya kay Zeon at inilipat ang tingin sa matanda na nakatingin lamang sa kanila. She knew it! Ama ito ni Zeon dahil sa pagkakahawig ng dalawa.        But, what the hell? Hindi siya nanaginip! Literal na kaharap niya ang ulo ng Funtellion Mafia. Kaharap niya ang pinakapinuno ng mafia na gustong pabagsakin ni Samael!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD