Ramdam ni Mira ang matalim na tingin na ipinupukol sa kanya ni Zech Leon habang naka-upo ito sa kama ng school clinic nila. Hawak-hawak nito ice pack habang nakalagay sa ulo dahil nagkabukol ang lalaki roon. Nabagsakan kasi ito ng mga hardbound books at nadaganan pa niya. Hula niya ay kahit anong oras ay dadambahin siya nito para pilipitin sa leeg. Kasalanan naman kasi nito. Kung hindi ito tumayo sa harapan ng bookshelves kung saan siya naglambitin na parang unggoy kanina, hindi siya magugulat at magkakandahulog ang mga librong kinapitan niya. Gusto niyang irapan ang lalaki dahil kung makatingin ito sa kanya ay parang kasalanan niya ang lahat. Dangan lamang ay natatakot siyang kapag mas lalo pa niya itong ginalit ay talagang pilipitin na

