Itinulak niya si Zech Leon para maka-alis sa pagkaka-ipit nito sa kanya. Wala naman siyang narinig na pagtutol mula rito kaya madali siyang naka-alis mula sa mga bisig nito. Nang masigurado niyang wala na si Nikolai sa tapat ng pinto ay maingat niya iyong binuksan bago mabilis na naglakad patungo sa kwarto nilang mag-ina. Kinuha niya ang alcohol para mag-sanitize ng kanyang kamay. Malinis naman ang banyo, katunayan ay naka-tiles pa iyon at may shower din. Ang alam niya ay pina-renovate iyon ng mag-asawang Weinstein kasama na ang ilang bahagi ng bahay para mas komportableng tirhan. Speaking of them, may text message sa kanya si Jenza na sabing ibinigay raw nito kay Zeon ang impormasyon na nakuha nito kung saan galing ang death threat. Mas mabuti raw i

