Tulalang kumagat si Mira sa hawak-hawak na sliced apple habang nakatutok ang mga mata sa telibisyon na nasa harap. Subalit, wala naman sa news na ipinapalabas ang atensyon niya dahil tagusan ang kanyang titig roon. Gaano katagal na ba siyang ganito? Normal na magta-trabaho sa umaga at palaging tulala sa gabi. Mahigit mahigit-kumulang isang buwan na yata. Minsan ay palagi siyang walang gana at maging ang mga katrabaho niya ay napapansin iyon. Ganito ba talaga ang epekto kapag pinili mong lumayo kahit mahal mo ang taong iyon? Oo, inaamin niya na! Mahal niya pa rin hanggang ngayon ang lalaking dumurog ng puso niya nang magtapat ito na niloko siya nito. Gusto niyang sapakin ang sarili dahil sa nararamdaman niya. Bakit ba minamahal niya pa si Zech Leon? Niloko siya ng l

