Ang kulay luntian nitong mga mata na sa tuwing tititig sa kanya ay agad siyang nanlalambot. Ang mga matang iyon na kung tumitig sa kanya noon ay tagusan. Ang mga matang iyon ang dahilan kung bakit marupok siya at agad na bumibigay sa lalaking iyon. But those eyes cannot capture her heart anymore. Sinaktan siya ng lalaking nagmamay-ari ng makasalanang matang iyon. Dinurog siya at hindi niya alam kung kaya pa ba niyang patawarin ang lalaking kasalukuyang nakapulupot ang mga kamay sa baywang niya, yakap-yakap siya habang matiim ang mga titig sa kanya. Malakas niyang itinulak si Zech Leon palayo at blangko ang mukhang tumayo mula sa pagkakasalampak sa tabi ng daan. Inayos niya ang pagkakasukbit ng bag sa kanyang balikat bago mahinahon na pinulot ang box ng cupcakes at donut na sa kabutihang

