“Mommy, where’s my dad?” tanong sa kanya ni Nikolai habang tinutulungan niya itong magsapatos nang umagang iyon. Naka-upo ito sa ibabaw ng kama nila habang siya naman ay nakaluhod ang isang tuhod sa sahig. Awtomatikong napatingin siya sa mukha ng anak at bahagyang nangunot ang noo. Ito kasi ang kauna-unahang pagkakataon na nagtanong sa kanya ang bata kung nasaan ang ama nito. He knows that he doesn’t have a dad and he understand that. Kaya naman ay nagtataka siya kung bakit nagtatanong ito ngayon tungkol sa bagay na iyon. Nikolai’s lips protruded cutely and play with the lace of his shoes. “Yesterday, Amelia and Tito Charles talk with the baby inside Tita Hilary’s tummy. Gusto ko po ng kapatid, Mama. Like Amelia to the baby in tummy. Sabi po ni Tita Hi

