“Why didn’t you tell me that they almost died?” malamig at puno ng galit ang boses ni Zeon. Umiigting ang kanyang mga panga at halos madurog ang hawak-hawak niyang cellphone dahil sa labis na pagpipigil ng galit. Kaunti na lang, sasabog na siya. Kaunti na lang makakapatay na siya mismo sa mga oras na iyon. Alas-kwatro pa lamang ng umaga ngunit gising na gising na ang diwa niya habang nakatayo siya sa loob ng hotel na dati niyang tinutuluyan nang muli siyang tumapak sa Isla Molave. “Who?” bored na tanong ni Jenza Weinstein—Ivanovich mula sa kabilang linya. Narinig niya pa itong naghikab. “Putang*ina!” malutong niyang mura, hindi nagustuhan ang pagmamaang-maangan nito. “Hey, watch your words when you talk to my wife!” Cale’s

