Tahimik na pinagmamasdan niya ang natutulog na anak sa kanyang tabi. Nakatulog ito kanina sa kaka-iyak. Sinabayan ang pag-iyak niya kanina. Mas malakas pa ang palahaw nito habang magkayakap sila sa likod ng nakasarang pinto. Hindi niya alam kung iniiyakan ba nito ay ang pag-iyak niya o dahil pinalayas niya ang daddy nito. Her son knows that Zech Leon is his father. Kung saan nito nalaman iyon, iyon ang wala siyang ideya. “I’m sorry kung ipagdadamot kita sa daddy mo. Akin ka muna, Baby.” Muli siyang naluha habang hinahaplos ang makinis nitong pisngi patungo sa matangos nitong ilong. Halos pangapusan siya ng hininga kanina habang umiiyak. Nikolai was hugging her like he knows her pain. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya kung sakaling mawala sa ka

