Elise.
Late afternoon na ng lumapag ang eroplano namin sa Beijing,napabuntong hininga ako,kinakabahan pero masaya ako dahil sa wakas nakabalik nako..
Tumingin saken si Charles at hinawakan ang kamay ko, siguro ay napansin nya ang pagbuntong hininga ko.
“Are you ok?” Pagaalala nito saken,ngumiti ako sa kanya at tumango bilang pag sagot ng “oo”.
Charles has a house near the city,dun kame dumeretso, and he insist na dun muna ako tumuloy while were looking for a house na malapit sa gallery.
Maganda yung bahay, very modern and minimized yung structures,it suits my style. Inikot ko ang paningin ko sa mga furnitures at interior ng house,maaliwalas ang lugar,I have a certain room for my paintings at drawings and there's a small garden outside.
Lumapit ako kay Charles na noon ay kakapasok lang dala ang maleta ko.
”Is it too much? Pwede naman ako sa old house” Sambit ko. Lumapit sya sa akin at hinawakan ako sa balikat.
”Its more comfortable and convenient for you na magstay dito,mas madali kitang mapupuntahan at malapit sa Velle.” Nakangiti nitong sambit.”Kailangan ko munang umalis,I have a meeting sa site,call me if you need anything ok?”Dugtong nito, habang nasa pinto ay muli syang humarap sa akin
“Don’t forget to lock the door ok?”Dugtong nito.
Charles taking care of me simula palang nung unang araw ko sa Madrid,he never hesitate to give a hand kapag kailangan ko ng tulong, I was wondering,bakit hindi nalang si Charles ang mahalin ko?bakit hindi ko nalang sa kanya ibuhos ang lahat ng pagmamahal na matagal ng nakakulong sa nakaraan? Mahirap gawin, pero pinipilit ko na suklian ang lahat ng kabutihan ni Charles sa akin, kaya pinangako ko na hinding hindi ko sya iiwan kahit kalian.
Inayos ko ang mga gamit ko sa Cabinet at ilang essentials sa kwarto, nilapag ko sa side table ko ang music box,pagkatapos non ay humiga ako sa kama, habang nagccheck ako ng phone, nakita ko ang isang pamilyar na muka,
si Hans..
Nakita ko ang article tungkol sa kanya.. I assume isa na sya sa mga pinakasikat na businessman sa bansa,habang nasa byahe kase kame,nakita ko rin ang picture nya sa isang building at sa bus stations..
Mapait ang mga ngiting pinakawalan ko,hindi parin sya nagababago,gwapo parin sya kahit saang anggulo,sa pagpapatuloy ko ng pagbabasa may nakita akong news article tungkol sa kanya at sa kanyang fiancé, ah..may fiancé na pala sya,sabagay hindi na ko magtataka bakit nga ba magiging single ang isang tulad nya,nasa kanya na ang lahat,isa pala syang sikat na artista si Cindy Xiang. They look good together,ang ganda nilang tingnan.
Masaya ako para sayo, Bulong ko sa sarili ko,pero alam ko ang totoo.. Tumayo ako sa glass wall ng kwarto ko at hinawi ang kurtina.
Kinabukasan, maaga akong nagayos para pumunta sa Velle,pagkalabas ko ng gate nagulat ako ng Makita ko si Charles na nakasandal sa sasakyan nya,ngumiti sya ng Makita nya ako..
“Good morning!” Masigla nitong bati sa akin.
“Anong ginagawa mo dito?” Nakangiti kong tanong sa kanya.
“Syempre,di ko palalampasin na ihatid ng girlfriend ko on her first day sa trabaho” Nakangiti nitong biro.
Pagpasok namin ng sasakyan ay inabot nya saken ang coffee at bread na nakabalot pa sa brown paper bag.
“Bread and coffee for my lovely girl.” Nakangiti habang inaabot ang coffee and bread.
“Wow,wala akong cash pangbayad dito ah.” Pabiro kong tugon sa kanya.
“Well,you can pay me in other way”Tinuturo nya ang pisngi nya at lumapit ng bahagya. “Stop it,ayokong malate sa unang araw ko sa trabaho.” Sambit ko dito habang nanliliit ang mata.
“Ok,ok.. Im just joking” Nakangiti nitong tugon, saka binuhay ang makina at pinaandar ang sasakyan.
Binaba ako ni Charles sa tapat ng building kung nasan ang office ko.
”Elise! Lets have dinner together susunduin kita ok?”Pahabol nito bago tuluyang umalis.
Ilang hakbang palang ang nagagawa ko nang natigilan ako at makita ko ang pamilyar na muka ng isang lalaki..
“Ha..Hans?”
Mahina kong sambit sa sarili,halos hindi ako makagalaw at parang may kidlat ng bigla nalang tumama sa buong katawan ko, ilang beses pa akong kumurap para makumpirma kung totoo ba ang nakikita ko.
Dahan dahan syang lumapit sa akin, hindi ko malaman ang dahilan pero kusang humakbang ang mga paa ko paatras ng makita kong nasa mismong harapan ko na sya.
Panaginip bang lahat ng to?panaginip lang ba na nakikita ko sya mismo sa harapan ko? Bumalik ako sa realidad ng ngumiti sya ng bahagya at nagsalita.
“How are you Ms. Elise Chen.” Baritonong boses nito.
I missed his voice, I miss his eyes.. I missed the way he looked at me in the past. i can't believe na nasa harapan ko na sya ngayon pagkatapos ng pitong taon na paghihintay.
But...
Im Confused, parang ibang Hans ang kaharap ko, hindi na sya yung dating Hans na kilala ko.
Base sa tono ng boses nya parang kasing lamig ng yelo ang mga salitang binitawan nya,nang tinawag nya ang pangalan ko. Kahit pa nakangiti sya sa harap ko ay kitang kita ko sa mga mata nya ang blangkong emosyon na noon ay punong puno ng sinseridad.
He’s cold. A stranger.
“Im Mr. Hans Zhou, can we talk Ms. Chen?” Sabay abot ng calling card nya saken.
I didn’t even say a word,at nakatingin lang sa kamay nya saka inabot ko ang calling card na binigay nya saken,pumunta kame sa café na nasa loob ng building.
Kinakabahan man ay nilakasan ko ang loob ko na wag magmukang mahina sa harap nya. Malalim ang iniisip ko habang nakatingin sa kanya. What can time take away? My heartache? A innocent and dull moments or pains that one never can rip apart?
“So,want do you want Mr. Zhou?” Tanong ko sa kanya,habang nakatingin sa mga mata nya na kanina pa nakapako sa akin. i can't beat him, kaya binaba ko ang tingin ko sa kape na nasa harap ko.
“I'm going straight to the point Ms.Elise, let me buy your self portrait” Blankong emosyong sambit nito, napaangat pa ng bahagya ang labi ko saka ngumiti ng bahagya bago sumagot.
“Mr. Zhuo, Im sorry, my self portrait is not for sale,I can recommend my other paintings if you want."
“My client want that painting for his wife,may dementia ang asawa nya and your painting is the only happiness of his wife. I can give you any amount for that portrait.”
Natouch ako sa sinabi nya, at sandali pang natigilan. True love does exist,right? Doing everything para sa taong mahal mo.
“So,whats your decision?” Tanong nito sa akin na may malalim at malamig na boses. Napaangat ang tingin ko sa kanya,
I composed myself.
“Ahm,im flattered pero I'm sorry hindi for sale ang self portrait,excuse me.” Sambit ko noon ay tumayo nako at umalis sa cafe, hindi ko na binalak pang lingunin pa sya, pero ramdam ko ang mga nakapakong tingin nito sa akin.
Habang palabas sa café ay nakahawak ako sa dibdib ko,halos sumabog sa sobrang kabog at halos hindi ako makahinga ng mga oras na nasa harapan ko sya.
Halos patakbo na ang mga hakbang ko makaalis lang sa lugar na yon at nagmamadaling sumakay ng lift.
Pagdating ko sa office ay sinimulan ko kaagad ang trabaho at tinuon sa ibang bagay ang atensyon ko, kahit pa maraming tanong ang umuusig sa isipan ko ay hinayaan ko nalang, hindi ko kalian man naisip na makikita ko sya kaagad sa unang araw ko palang sa Velle.
Pitong taon na ang lumipas ngunit nandon parin ang kirot at kabog ng dibdib ko ng muli ko syang makita ngunit kung noon ay sinabi kong hindi parin sya nagbabago ay nagkakamali ako..
Malaki ang pinagbago ni Hans, ang mga mata nya kapag nakatingin sa akin na noon ay punong puno ng sinseridad ngayon ay parang isang istranghero nalang, hindi ko na sya kilala.. Siguro ay natuto syang magbago sa pagdaan ng panahon para maibsan yung sakit na iniwan ko.
Sinundo ako sa office ni Charles para magdinner, napansin nya siguro na tulala ako at wala sa sarili, I just can’t believe na pupuntahan ako ni Hans, and after several years hindi parin nagbabago ang nararamdaman ko sa kanya.
“Elise?”
Napaangat ang tingin ko dito at napaawang pa ang labi saka makailang beses na kumurap.
“Is everything ok?” Tanong nito habang nakatingin sa mata ko.
“Ahm, oo,ok lang ako” Ngumiti ako ng bahagya at nagpatuloy sa pagkaen.
“kamusta ang gallery? May problema ba? Muka kasing balisa ka?” Muli nitong tanong sa akin.
“Ahm, it’s not about the gallery.. N-nakita ko si Hans sa labas ng office ko kaninang umaga, and, he want to buy the self portrait.”
“Paano nya nalaman na ikaw ang may ari ng self portrait? Pumayag kaba?” Sunod sunod na tanong nito na may halong pagaalala.
“Ofcourse, hindi ako pumayag, I will never sell that.. it’s my master piece and its to precious for me para ipagbili ko yon.” I said with a low tone of voice, napukaw ang atensyon ko sa kabilang table,I feel uneasy at hindi ko na narinig pa ang mga sumunod na sinasabe ni Charles dahil nakatingin sa direksyon naming ang lalaki na nasa table na yon.
Napansin ni Charles na nakatingin ako doon saka lumingon din sya para tingnan kung ano ba ang pumukaw sa atensyon ko.
“I think we have to go.” Sambit ni Charles na noon ay patayo na at kinuha ang coat nya.