Chapter 1: Years of Pain
Elise is a famous artist in Europe, she studied there to pursue her dreams and one of them is to have a company and own gallery. After years of hard work and determination she enabled to have her own company called Velle Arts Gallery. Together with her boyfriend Charles, he encouraged her to study arts in Madrid 7 yrs ago. And finally she would go back to Beijing to introduce her drawings and paintings in Chinese market as she set her office in the country.
Elise.
I packed my things and I'm ready to go, after seven years nagkaroon ako ng lakas ng loob para bumalik sa Beijing. Pumunta kame ni Charles sa Europe para mag-aral ng Arts at magsimula ng bagong buhay. Later on,nagkaroon ako ng opportunity to start my own business in Madrid, at yun nga ang Velle Arts Gallery. I want to share my paintings, the thoughts and meanings on it.
I want to give inspirations to others by my drawings, dahil sa tulong ni Charles nakamit ko ang lahat ng ito kung hindi nya ako pinilit na pumunta ng Europe marahil ay nasa malungkot at masakit na bahagi parin ako ng buhay. Wala ako sa kinalalagyan ko ngayon kung hindi dahil kay Charles, sya ang nagbukas ng pinto para sa akin at nagbigay ng pag-asa na noon ay hindi ko naiimagine na makikita ko pa. Pero...hindi ko parin maiwasang tanungin ang sarili ko kung handa na ba ako sa pagbabalik ko?
Kung kaya ko bang harapin ang taong nagbigay sa'kin ng matinding sakit at kalungkutan na kung hindi dahil kay Charles ay malamang nan'don parin ako nakakulong sa malungkot na bahagi ng buhay kong iyon.
Kinuha ko ang isang music box na nasa loob ng drawer ng side table ko, binuksan ko iyon at kusang tumugtog ang isang magandang musika, ang sarap pakinggan, hanggang kailan ako malulungkot sa musika ng isang music box?
Seven years na ang lumipas pero hindi ko parin magawang kalimutan ang lahat. Muli ko itong sinara at nilagay sa maleta. Maya-maya pa ay narinig akong yabag na papalapit sa akin, lumingon ako para tingnan kung sino.
Si Charles.
Ang lalaking nagsalba saken sa kalungkutan. Nginitian ko sya habang papalapit sya sa'kin, napakagwapo nya sa suot nyang coat na royal blue, black na polo at bumagay sa mahahaba nyang binti ang suot niyang trousers, sya ang tipo ng lalaki na masasabi kong ideal man ng lahat, bukod sa mabait, gwapo, matalino ay sya rin ang nagpapasaya sa akin kapag may mga araw na malungkot ako. Nakangiti syang lumapit sa akin at hinaplos ang likuran ko.
”Are you done?” Baritonong sambit nito habang nakatingin saken. He smirked when he notice that I was looking at him. “Why? Are you trembling because you never met someone as good looking as me?” Pabiro nitong dugtong, Hinawi ko ang buhok ko at umismid sa kanya.
”Ha, ok, oo na ikaw na ang pinakagwapo sa lahat Mr. Charles Zhang” Tugon ko sa kanya habang binababa ko ang maleta ko na nasa kama, niyakap nya ako mula sa likuran ngunit kumalas ako sa pagkakayakap nito. Naiilang parin ako kapag lumalapit sya sa akin.
”We need to go.” Tugon ko habang hila-hila ang maleta ko palabas ng kwarto.
Hindi kame ni Charles yung tipo ng magkarelasyon na sweet sa isa’t -isa, marahil ang pinakasweet na nagawa naming dalawa is yung magyakapan at maghawak ng kamay.
Wala pang nagyayare samen ni Charles, weird man para sa isang magkarelasyon pero yun ang totoo, at isa yon sa kinakabilib ko kay Charles, alam nya kung pano respetuhin ang desisyon ko.. He’s a perfect man for me, wala nakong ibang hahanapin pa sa kanya.
Author*
Beijing.
Samantala, ang lahat ng empleyado ng Zhou Company ay nagmamadali sa pagsalubong sa kanilang CEO na si Hans Zhou. S'ya ay isa sa richest bachelor in the country, umani rin sya ng maraming award dahil sa galing nya sa business world. Mahigpit din ito pagdating sa pagpapatakbo ng business, he only hired a competent and high skilled employee. Dahilan kaya ang kanyang kumpanya ang number one sa bansa. Maya-maya pa ay may isang magarang sasakyan ang huminto sa labas ng company, sasakyan iyon ni Hans, lumabas ang secretary n'yang si Mr. Guo, at pinagbuksan sya nito ng pinto.
Napakagwapo nito sa suot nyang suit and tie na nagcomplement sa makisig nyang katawan, mas lalo din syang matangkad tingnan dahil sa suot nyang trouser, ang lahat ng babae sa kumpanya ay may paghanga sa kanya sa kabila ng pagiging strikto at suplado nito. In just 7 years napalago nya ang kanyang business at naging successful ang company with the help of his friends, na sina Vice CEO Andrew and Vice CEO Leo na kapwa mga batikan pagdating sa investments and finance.
His office was on the top of his building, it’s a huge one. It has a modern and high-tech furnitures na gawa rin ng sarili nyang kumpanya. At the center malapit sa glass wall nan'don ang desk nya. Umupo sya sa swivel chair nya at ang dalawa naman ay umupo sa sofa.
”Leo, hows the meeting with Mr.Leng?” Tanong nito na may baritonong at seryosong boses, wala ka ring makikitang kahit na anong emosyon sa gwapo nitong mukha, kung hindi nga lang siya kilala nila Leo at Andrew malamang ay natakot na ang kaharap nito dahil sa pinapakita nitong awra.
“The meeting goes smoothly, wala naman naging problema, except one..” Tugon nito, napatingin at nangunot ang noo ni Hans kay Leo habang hinihintay ang susunod nitong sasabihin.
“There’s a painting that his wife really want, at nag-iisa lang yon dito sa Beijing, nakadisplay yon don sa Velle Gallery malapit dito. At hangga't hindi nya nakukuha yung painting na yon hindi sya pipirma sa business deal, I think that’s his priority." Dugtong nito, muling yumuko si Hans at nagpatuloy sa pag-aayos ng mga dokumento bago sumagot.
“Anong problema? Edi bilhin natin, tell my secretary that I need the contact information of Velle Gallery's owner.” Seryoso paring sagot nito nang hindi nililingon ang dalawa.
”Pero..Hans yun ang problema” Sabat ni Andrew, na noon ay tumayo at lumapit pa ng bahagya kay Hans. “Bukod sa hindi pinagbibili ng may ari yung painting, I'm sure hindi ka maniniwala kapag nalaman mo kung sino ang may ari ng Velle.” Napukaw ang atensyon ni Hans at tinigil ang ginagawa saka binaling ang tingin dito.
“What do you mean?” Aniya, na noon ay nakakunot na'ng muli ang noo at nakatingin kay Leo.
“It’s Elise Chen.. si Elise ang may-ari ng Velle Arts Gallery.” Aniya, sandaling natigilan si Hans at napasandal sa swivel chair nito saka tiningnan ang ballpen na hawak at nilapag ito sa mesa. Nagkatinginan naman sila Andrew at Leo na noon ay halos mamutla sa kaba dahil sa naging reaksyon ni Hans, alam nilang ayaw na ayaw nitong makakarinig ng mga bagay na tungkol kay Elise.
Who would have known na mag-kikita parin tayong dalawa Elise. Sambit nito sa sarili.
*7years ago.
Nakaupo si Hans sa isang bench sa Park at hinihintay si Elise, he was happy.
May dala syang bulaklak para sa nobya at magandang balita dahil sa unang pagkakataon ay may investor na sa maliit na company na binuksan nya.
Maya-maya pa ay dumating na si Elise at umupo sa tabi nya, inabot naman ni Hans ang bulaklak dito.
”Ok ka lang ba?” Tanong nito sa dalaga ng makitang matamlay ito.
“Hans,maghiwalay na tayo.” Aniya, kumunot ang noo nya at hinawakan ang kamay ni Elise.
"Ha? M-may sakit kaba?" Muli nitong tanong, habang hawak ang kamay ng dalaga.
“Ayoko na Hans, maghiwalay na tayo!”Sambit nito sabay tapon ng bulaklak sa lupa at naglakad palayo, naguguluhan man ay pinilit habulin ni Hans si Elise at hinila ang braso nito.
“Bakit? Elise,bakit ganito? May nagawa ba kong mali?” Tanong nito habang nakatingin sa mga mata ni Elise.
“Maghiwalay na tayo, ayoko na Hans hindi na kita mahal!” Mariing sambit nito sa binata.
“Look at me! At sabihin mong hindi mo na ko mahal, Elise.” Pumiglas sa pagkakahawak si Elise at saka patakbong umalis sa lugar, pinilit mang habulin ni Hans ang dalaga ngunit nakasakay na ito ng taxi. Naiwang magisa si Hans na umiiyak at halos hindi alam ang gagawin.
Sariwang sariwa pa sa ala-ala ni Hans ang mga nangyare 7 years ago, at ngayon bumalik na si Elise,pagkakataon na nya iyon para malaman ang totoong dahilan ng pagalis nito at malaman ang nararamdaman ng dalaga sa kanya.