BS#4 TP C45 KATYA POV “D-Dad!!” Sigaw ko sa phone ng marinig ko ang boses ni Daddy. “Ilabas mo ang anak ko. Kung ayaw mong may masamang mangyari sa ama mo!” Ang boses na ‘yon.. “What happened?” Nilingon ko si Sir Nico, malakas pa rin ang kabog ng aking dibdib. “H-hawak n-ng mommy mo si Daddy..” Hindi ko mapigilang umiyak sa harapan niya. Alam ko kasi na kahit gaano pa karami ang bodyguard ni Daddy, kaya pa rin itong ipatumba sa mommy ni Sir Nico. “A-anong gagawin natin Sir?” Muling tanong ko sa kanya. Alam kong kayang-kaya niyang saktan si Daddy, dahil kahit nga ako ay muntik na niyang patayin, kung ‘di lang naagaw ni Sir Nico ang kanyang baril. Lumapit naman siya sa akin at kinuha ang phone ko. “Hindi mo ba talaga ako titigilan Mom.” Madiin niyang wika. Gusto ko sanang marinig an

