BS#4 TP C46 KATYA POV “S-Sir Nico….” Iyak kong sambit sa pangalan niya habang binitawan ko si Kevin at niyakap siya. Hindi ko napigilan na mapasigaw muli ng makita kong binaril ng mommy ni Sir Nico ang asawa niya. “Wala kang karapatan na barilin ang apo ko… Marian.” Aniya habang nilapitan kami. “Ayos ka lang ba hijo?” Tanong niya kay Sir Nico, habang nanatili siya sa braso ko. “I’m fine Mom.” Tulala akong napatingin sa mommy niya habang nilapitan nila si Kevin. Gusto ko sana na hilahin palayo sa kanya ang anak ko, pero hindi ako makatayo dahil nasa bisig ko si Sir Nico. “How are you?” Narinig kong wika niya sa anak ko habang dinala nila ito sa loob. Hindi ko naman alam kung sino ang susundan ko. Hindi ko alam kung sasamahan ko si Sir Nico hinayaan lang siya ng mga magulang niya na

