BS#4 TP C47 NICO DARRYL POV Una ko pa lang siyang nakita ay hindi nagagandahan na ako sa kanya, kaya lagi akong pumupunta sa office ni Caleb para lang makita siya. Pero noong napansin ko na parang wala siyang gusto sa akin ay hindi ko mapigilang makaramdam ng galit sa kanya. Ako si Darryl Miller? Hindi pinansin ng isang secretary? Kaya noong nalaman ko ang ginawa niyang pagtulong kay Jezz, ay lalo akong na-galit sa kanya. Pero noong magpasya si Caleb na patayin siya ay humarang agad ako. Ayoko pa kasi siyang mamatay, dahil gusto ko pa siyang pahirapan. Pero habang tumatagal ay hindi ko na mamalayan na unti-unti akong nahulog sa kanya. Kahit ano ang gawin ko, at kung sino-sino na ang babaeng naka-kasama ko sa kama, pero hindi pa rin mawawala sa isip ko si Katya. Nagmumukha akong baliw

