Chapter 12

1984 Words
DISMISSAL. Nang matapos ang huling klase namin ay nagsitayuan agad ang mga kaklase ko para umuwi. Ako naman ay mabagal na nag ayos ng mga gamit ko habang pinapakiramdaman si Caspian na ganun din ang ginagawa. Date? Seryoso ba sya? Ewan ko kung trip nya lang sabihin yun kanina, pero kung trip man yun, sisiguraduhin kong hindi nya ako mapag t-tripan! Tumayo na sya at sinadya kong hindi magtama ang tingin namin hanggang sa nauna na syang lumabas kasama ang mga kabanda nya. Phew. Sabi ko na nga ba, hindi yun totoo. Well hindi naman ako umaasa, baka trip trip nya lang yun para asarin ako kanina. "Lou? Una na ako ha?"paalam ni Kate. "Sige bye"sabi ko at ngumiti. Medyo nahirapan akong ayusin ang bag ko, paano kasi nagkaroon ng activity kanina at panay halungkat ko sa bag, nagkagulo gulo tuloy yung gamit ko. Ako ang huling naiwan sa room. Mabilis na akong nagsuot ng bag at lumabas. "Ang tagal mo" "Ay unggoy!" Literal akong napatalon sa gulat ng makita si Caspian sa gilid ng pintuan. Nakasandal at nakapamulsa. "Caspian?! Bakit nandyan ka?" Nagpintig ang puso ko, malamang dahil sa GULAT! Akala ko kasi wala ng tao! "I'm waiting for you, may date tayo diba?" "Eh? At bakit naman—" "Wag ka ng magreklamo, tara na" Hinawakan nya agad ang kamay ko at hinila. Intertwined. Pakshet na malupet. Bakit kinakabahan ako ng sobra?! Tinahak namin ang school ground, marami rami pa ang studyante. And swear, lahat sila nakatingin samin! Tumingin nalang ako sa ibaba at nagpahila kay Caspian, medyo nauuna sya sakin dahil ang lalaki ng hakbang nya. "Aray!" Kaso bigla akong nauntog sa likod nya ng bigla syang tumigil sa paglalakad. "Uy ano ba—" Napatigil din ako ng makita sina Sierra at Damon sa harap namin. Nakaakbay si Damon kay Sierra habang si Sierra ay nakapalibot ang mga braso sa bewang ni Monchi. How sweet! (sarcastic tone) Aaminin ko. Nagseselos ako ngayon at hindi ko maiwasang mainis at magalit na naman. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Caspian sa kamay ko. Mukhang hindi lang ako ang nagseselos dito. "Hey Lou.." bati ni Damon. Tinignan ko lang sya, hindi ko alam kung babatiin ko din sya o hindi. Medyo awkward, ramdam ko kasi ang pagtitinginan nina Sierra at Caspian. Si Damon naman ay nasa akin ang tingin. "Hey Damon" bumati narin ako. "Uuwi na kayo?" Medyo ilang nyang tanong at napatingin sa kamay namin ni Caspian na magkahawak. "Oo uuwi na ako"napabitaw ako kay Caspian. Ewan ko, pakiramdam ko ay nangangaliwa ako kay Damon kahit wala namang kami o kahit kailan ay hindi naman naging kami. Siguro malinaw parin talaga na may nararamdaman pa ako para sa kanya. Ilang linggo palang ang nakakalipas at sinadya ko na hindi kami magkatagpo sa school para kalimutan sya, kahit minsan ay hinahanap hanap ko sya. "Anong uuwi? We're going on a date remember?" Muling hinawakan ni Caspian ang kamay ko kasabay nun ang pagsama ng tingin sakin ni Sierra. Hindi ko sila maintindihan, bakit nagpapakita sila ng ganung reaksyon kung malinaw na may ayaw na nila sa isang tao? Nagseselos ba sya o hindi? Napakagulo nila. "So totoo nga yung relationship nyo? Zach, ang sabi mo fake news lang yun?" Ramdam ko ang inis sa tono ni Sierra ng sabihin nya yun. Napairap pa sakin. "At first yes, pero ngayon hindi na. Me and Altair were together officially" "At sa tingin mo maniniwala ako sayo?"natawa ng mahina si Sierra, confident na hindi parin nakakamove on si Caspian sa kanya. "Why don't you ask her instead? Sinagot nya ako kanina lang, right Al?" Napatingin sila saking tatlo. Wala akong ibang ginawa kundi tumungo. "Oo, n..naging k..kami kanina lang" tumingin na ako sa ibaba dahil nakaramdam ako ng hiya. Err.. bakit nahihiya akong sabihin na kami na ni Caspian?! Oo kami na, pero dahil yun sa dare! At sa prize! Yun lang, bakit nahihiya pa ako?! "We'll go ahead"hinila na nya ako at nilagpasan sila. Nakarating kami sa parking lot at pansin ko ang pagka badtrip sa mukha ni Caspian ngayon. Binitawan nya ako at agad na pumasok sa isang navy blue bugatti chiron. Nanlaki ang mata ko sa ganda ng kotseng nasa harap ko. Seryoso ba 'to? May branded syang kotse kahit teenager pala sya?! "What are you waiting for? Hop in now" wala sya sa mood kaya nagkusa ang katawan ko at pumasok sa loob ng kotse. Nakapatong ang dalawa kong kamay sa hita, takot na gumawa ng malalaking kilos. Badtrip kasi ang isang 'to. "Your seatbelt Al" "Huh?" "Tss.." Lumapit sya sakin bigla, napalayo tuloy ako at sumandal sa bintana habang kinakabahang nakatingin sa kanya. Hahalikan nya ba ako?! "Assumera, ilalagay ko seatbelt mo"masungit nyang saad at sinuot ang seatbelt ko. Napakagat ako ng labi sa hiya. Ano ba namang nasa utak ko? Bakit naman nya ako hahalikan aber? Nagsimula na syang mag drive. Seryoso ang mukha nya ngayon, mula ng makita namin sina Sierra at Damon, nag iba na ang mood nya. "Uhh saan tayo pupunta?"binasag ko ang katahimikan. "Sa mall lang"tipid nyang sagot. "Anong gagawin natin dun?" "I'll buy you a new phone"ni hindi manlang sya tumingin sakin ng sabihin nya yun. Cellphone?! Agad agad?! "T..talaga?" "Ayaw mo?" "Hindi no! Kailangan ko na ng phone, baka nag aalala na si papa sakin, hindi ko na sya natatawagan" Hindi nalang sya sumagot. Nakarating kami sa pinakamalapit na mall, nauunang maglakad si Caspian habang nakapamulsa. Ako naman ay nasa likod nya lang at pansin na pansin ko ang mga taong kinamamanghaan at pinagpapantasyahan sya sa tingin. Sya naman walang pakielam at pa cool-cool lang habang naglalakad. Nagmukha tuloy akong alalay dito sa likod. "Is that Zach of Lovesickers?" "Omg! Sya nga!" Tatlong studyanteng babae ang humarang kay Caspian sa gitna ng paglalakad. Kilig na kilig ang mga ito at over sa pag ngiti. "Zach right?! Omg! Kilalang kilala ka sa school namin!" "Ang galing mo kumanta! I really love you and Lovesickers! Pwede bang magpa-picture?! Please?!" Nilingon ako ni Caspian, parang sinasabi nya na 'please do something' sa mga tingin nya sakin. Napakurap ako ng dalawang beses. Diba magaling sya sa girls? Bakit kailangan nya pa ng tulong ko? Tinaasan nya ako ng kilay dahil sa paghihintay na may gawin ako kaya napasimangot nalang ako at humalukipkip. "Uhh girls, may date kasi kami eh"sabi ko. Napatingin sakin ang mga babae at pinasadahan ako mula ulo hanggang paa. Aba? Kung makatingin oh. "Sorry girls. Selosa kasi girlfriend ko eh"inakbayan ako ni Caspian at ngumiti sa mga babae. "Girlfriend?" Kitang kita naman ang disappointment sa mga mukha nila at sumimangot bago umalis. Inalis agad nya ang pagkakaakbay nya sakin at naglakad muli. Balik na naman sya sa mood nya kanina. "Nakakasuya ang mood mo. Pwede bang tigilan mo na yan?"medyo inis na sabi ko. "You can't stop me in whatever I'm gonna do, even my mood"wala parin sya sa mood. "Alam kong si Sierra ang dahilan nyan. Nakita ko rin naman si Damon kanina pero hindi naman ako ganyan makaarte" "Maybe because you're not truly inlove with him?" Tinaasan nya ako ng kilay at may sarkastiko pa ang boses nya "At paano mo naman nasabi? Ilang taon ko na syang gusto at hindi mo alam kung gaano ko parin sya kagusto hanggang ngayon" Napatigil naman sya sa paglalakad at nilingon ako. "Gusto huh? Yung iyo gusto, ako mahal na. So stop telling me that I am overreacting"seryosong saad nya. "Mahal? Pero nakikipaglandian pa sa iba? Sigurado ka?"sarkastiko kong saad "You don't know my story with her, wag kang magmarunong kung ano ang nararamdaman ko kay Sierra. You're just a nobody, bakit ba nakikisawsaw ka?" May kirot akong naramdaman mula sa puso ko. Ewan ko kung bakit nagkaroon ng epekto sakin ang mga salita nya. Hindi naman dapat ako ganito diba? Wala naman akong pakielam kung anong sasabihin nya diba? Nilabas naman nya ang wallet nya at kumuha ng hindi ko mabilang kung ilang libo yun. Kinuha nya ang kamay ko at nilagay sa kamay ko ang pera. "You buy your phone alone. Nawalan ako ng gana" pagkatapos nyang sabihin yun ay nilagpasan na nya ako. Napayukom ang kamay ko dahilan para mayupi ang mga perang hawak ko. Nilingon ko sya pero medyo malayo na sya sakin kaya wala na akong nagawa at binulsa nalang ang pera. Tulad ng sabi nya ay bumili nga ako ng phone ko. Gusto ko sanang matuwa dahil sa bago kong phone pero dahil sa mga sinabi kanina ni Caspian ay masama ang loob ko. Bakit ba apektado ako sa sinabi nya?! Pumasok ako sa part time ko pagkatapos bumili. Wala talaga akong gana ngayon. Nakakainis! "Nobody huh? Wag kang mag alala, mula ngayon hindi na ako makikisawsaw!"inis na bulong ko sa sarili ko. "Ate Loui, bakit wala daw dressing yung inorder sa table 6?" Nilapitan ako ni Olivia. "Huh? Ah.. sorry nakalimutan ko" mabilis ako nagdala ng dressing sa table 6. Humingi pa ako ng tawad, mabuti at hindi naman nagalit ang customer. "Mukhang tuliro ka, kanina pa kita napapansin ate" "Uh wala, wag mo na akong pansinin" "Nag away ba kayo ng boyfriend mo ate? Lover's quarrel?yieee!! Haha"pagbibiro nya. Napa irap ako. Inis ako kay Caspian ngayon, at hindi yun matatawag na Lover's quarrel dahil hindi naman kami lovers. Yes, boyfriend ko sya pero walang involve na feelings dun duh? "Masyado kang mausisa Olivia, nakalimutan mong bigyan ng drinks yung table 15"sabi ko nalang. "Ay oo nga!" Nagmadali syang mag ayos sa tray ng drinks. Napailing nalang ako. Sa totoo lang hindi ako sanay na tinatawag akong ate, wala naman kasi akong kapatid. Namatay agad ang mama ko at ang papa ko ay hindi na nag asawa kaya ayun, only child lang ako. Pero kung bibigyan ako ng pagkakataon na magkapatid, sana katulad nalang ni Olivia. "Ate una na ako ah! B-bye!" Kinawayan ako ni Olivia, pagkalabas namin sa restaurant. Natapos na ang shift ko, mag isa akong naglalakad papunta sa sakayan ng jeep. Medyo kinakabahan nga ako dahil baka may nakasunod sakin, madalas tuloy akong mapalingon sa gilid gilid. "Zach! Uh.. nakikiliti ako" Napadaan ako sa isang bar at hindi ko maiwasang magpalingalinga ng marinig ko ang pangalang Zach. "Zach! Damn.. keep going uhh.." Nadako ang tingin ko sa dalawang taong nakaupo sa harap ng kotse. Hinahalik-halikan ng lalaki ang leeg ng babae. Nakatingala pa ang babae at halatang enjoy na enjoy sa ginagawa nila. Hindi ko man makita ang mukha ng lalaki ay alam kong si Caspian yun, base sa physical features nya ay na-familiarize ko agad. Napayukom ang kamay ko ng maalala yung nangyari kanina sa mall. Umirap nalang ako at dumeretso na sa paglalakad ng harangan ako ng dalawang lalaki. "Miss? Sa bar din ba ang punta mo? Tara sabay na tayo"nakangiti nyang saad. Umiling iling naman ako at pinilit kong ngumiti ng maliit. "Uh.. hindi po, pauwi na ako" "Sige na, sandali lang naman tayo! Masaya dun!"ani naman ng isa. "H..hindi na po talaga. Kailangan ko na kasing umuwi"sinubukan kong maging mabait ang boses ko. Baka kasi mainis sila at pwersahin pa ako pag nagtaray ako. Nagulat ako ng hawakan ako ng isa sa pulsuhan. Bigla tuloy akong kinabahan. "Mamaya ka na umuwi! Masaya sa bar—" "Ano ba!" Sinubukan kong hilahin ang kamay ko pero masyadong syang malakas. "Magsasaya lang naman tayo! Ang arte mo pa!" "Ack!" Napatigil ako ng may sumuntok sa lalaking may hawak sakin. Si Caspian, sinuntok nya rin yung isa kaya natumba ito sa sahig. Mas matangkad si Caspian at mas malaki ang katawan kaya kayang kaya nya ang dalawa 'to. Mukhang alam yun ng dalawa at tumakbo nalang bigla palayo. Tinignan ako ni Caspian pero iniwasan ko agad yun. "Salamat"sincere ako kahit medyo galit ako. Hindi ako tumingin sa kanya at naglakad nalang para umalis ng bigla nyang hilahin ang braso ko at pinaharap sa kanya. "On my car now" ✴✴✴ To be continue...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD