~LOUISIANA ALTAIR OLIVAR
"I love you Monchi!"
Agad na namula ang mukha ko at nasapo ko ang sarili kong noo dahil sa kahihiyan ng maalala yung EPIC FAIL CONFESSION ko kahapon.
OKAY. RELAX.
Malaki ang campus Loui, the chance of bumping that guy again is basically zero percent! Bakit pa ba ako nag aalala? Pero kasi... Argh! Bakit ba kasi nagkamali ako ng hila ng damit kahapon?! Akala ko si Monchi yung lalaki! Hindi ko pala kilala! Wahh nakakahiya!
"Uy, Loui!" Nagulat ako ng may sumulpot sa tabi ko.
Medyo nakaramdam ako ng konting pagkabog sa dibdib ko ng may tumawag sa akin, nakahinga ako ng maluwang dahil hindi siya yung lalaking kahapon.
"Kate!" Buntong hininga ko. Siya yung unang bumati sakin sa room kahapon noong pagpasok ko.
Transferee kasi ako sa school na 'to. Ang Arts of muzico Academia, isa itong kilalang school na music at talent ang forte. Galing ako sa private school sa Laguna pero lumipat kami dito ni Papa sa syudad dahil sa trabaho nya.
"Natapos mo na ba yung notes na binigay ko? Pasensya kana sa hand writings ko hehe" aniya habang kinakagat ang straw ng kaniyang delight.
"Malapit na, dalawang subject nalang yung kailangan ko. Thanks nga pala Kate"
"Don't mention it"
Si Kate Agoncillo ang unang naging kaibigan ko sa school na 'to. Seatmate ko kasi sya at sya ang tumulong sakin sa mga lessons na namiss ko, pinahiram nya ako ng notes at sya rin ang nag tour sakin sa buong campus kahapon.
"Anyway.. mamaya may tugtog ang Lovesicker sa gym. Manuod tayo! Nandun yung twin kong si Kurt, sya yung bass guitarist sa banda nila"
"Sure!"
Nakarating kami sa room, may ilang bumati sa akin na kaklase. Mabuti at mga friendly sila kaya hindi ako mahihirapan na mag adjust.
Naupo ako sa assigned seat ko at nagsimula na ang klase ngunit naantala ito ng umingay ang labas ng room dahil sa mga tili ng mga babae.
"Haist. late na naman ang mga sikat"buntong hininga ng president namin na si Dana.
Sa inaasta nya, parang sawang sawa na sya sa senaryong nakikita nya ngayon.
May pumasok na mga lalaki sa room. Obviously, sila yung tinitilian kanina.
Ang Lovesicker.
Unang pumasok si Kurt Agoncillo.
Ang twin brother ni Kate. May itim syang spiky na buhok, maputi at matangos ang ilong. Siya ang leader at drummer sa Lovesickers.
Sumunod si Cooper Ramirez.
Ang charming at good boy looking sa kanila. Sa totoo lang kahawig nya si JK ng BTS, oo super cute at gwapo. May bangs at natural red lips pa.
Pangatlong pumasok si Axel Ignacio.
Ang pilyo nyang mukha ang pinaka highlights sa kanya. Sa itsura palang mukha ng playboy at sobrang kulit tsaka maingay. Moreno ang balat nya pero yun ang mas nagpahila sa kanya sa mga babae. Tall, dark and handsome ika nga.
Naglakad sila papasok na akala mo mga ramp model. Walang pakielam kung may teacher sa harap dahil mukhang sanay naman sila sa ganitong pangyayari.
Sila ang miyembro ng Lovesicker, kahapon nakwento na sakin ni Kate ang tungkol sa kanila. Sikat silang banda dito sa school, puro gwapo kasi kaya maraming fans at bukod dun, sadyang magaganda talaga ang mga kanta nila.
"Ang iingay na naman"inis na bulong ni Kate.
Medyo natawa ako sa kanya. Wala kasing support sa kapatid nya.
Akala ko wala ng papasok pero naestatwa ako ng may isa pang lalaki ang pumasok.
Nagtilian ang ibang mga kaklase ko ng pumasok ang matangkad, maputi, matangos ang ilong at may brown na buhok. Simple lang ang porma nya pero ang tindig at aura nya, SOBRANG lakas ng dating.
What the hell?!
That's him! The guy yesterday!
Nakapamulsa syang pumasok at tinahak ang aisle, hindi maalis ang tingin ko sa kanya dahil hindi ako makapaniwala na sa pagkalaki laki ng campus na 'to, naging classmate ko pa sya?!
"Ang liit ng mundo shet.."bulong ko habang minamasahe ang sentido ko para itago ang mukha ko.
Napasilip ako saglit pero hindi ko inaasahan na magtama ang tingin namin sa isa't isa.
Bigla akong kinabahan sa kinauupuan ko, hindi ko alam kung ngingiti ba ako o magtatago ako sa ilalim ng upuan ko, basta binabalot ako nag kahihiyan!!
Napatitig sya sakin habang naglalakad hanggang sa nagpakawala sya ng isang maliit na ngisi sa akin.
Waahh! Ayoko na! Naaalala nya ako at ang kahihiyan ko
Naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko at sa pagkakataong yun ay napaiwas na ako ng tingin. Naupo sya sa katapat kong upuam sa kabilang row, pero ramdam ko parin ang pagtitig nya sakin habang nakangisi.
I WANNA DIE RIGHT NOW! SIRA NA ANG BUONG HIGHSCHOOL KO!
"O sige, ipagpatuloy na natin ang discussion. Salamat sa commercial Lovesickers"sarkastikong saad ni Sir at nagsimula ulit.
Hindi ako makapagfocus sa klase lalo na't katapat ko lang ang maling lalaking pinagsabihan ko ng I love you kahapon. Lovesicker din ba sya? Err.. bakit kasi kaklase ko sya?!
"Loui.. bakit parang tuliro ka? At bakit math notebook yang sinusulatan mo?"
"Eh?!" Napatingin ako sa notebook ko.
Music ang subject namin pero math ang sinulatan ko! Argh, nawawala na ako sa sarili ko dahil sa lalaking 'to. Kahit kasi may space kaming dalawa, nararamdaman ko ang aura nya! Parang inoobserbahan nya ako eh!
"Ah..eh.. n..nalito lang yata ako" napakamot ako sa ulo at kinuha ang music notebook ko.
Hindi talaga ako mapakali habang nagsusulat, ewan ko ba!
"Okay let's call it a day. Goodbye class"
Sa wakas ay nakahinga din ako ng maluwag dahil breaktime na. Agad akong tumayo para umalis pero isang maling pagkakamali yata ang nagawa ko.
"s**t"
Napatingin ako sa likod ko, ng masanggi ko yung coke na iniinom ng lalaking kanina ko pa iniiwasan. Nabasa yung uniform nya kaya bigla akong nataranta.
"Ah..eh.. s..sorry!" Binato ko agad sya ng towel at mabilis na tumakbo palabas.
Ayoko syang makausap, ayoko syang makita! Waahh!! Nakakainis, nakakainis ang ngisi nya! Dahil sa mga mapangasar nyang ngisi kanina, sobra sobrang hiya ang nararamdaman ko!
Nakalabas ako ng room at dumeretso sa canteen. Mabuti at nakatakas ako agad, nilalamon na ako ng hiya maramdaman ko palang ang presensya ng lalaking yun eh.
"Loui! Bakit ba tumakbo ka nalang bigla?!" Hindi ko napansin na hinabol pala ako ni Kate, nakalimutan ko na sya dahil sa kakamadali lo.
"Kate! Sorry naiwan pala kita"
"Haist. Parang wala ka talaga sa sarili mo kanina pa, halika na nga" hinila ako ni Kate at dinala sa counter.
Nilibre nya ako ng cheesedog sandwich at sprite. Hindi kami sa canteen kumain, imbes ay naglibot kami sa buong campus.
"Waahh ako din papicture!!"
"Ako din! Ako din!"
"Waahh ako pa!"
Napansin namin ang nagkukumpulang mga babae sa tabi ng building. Hindi ko alam kung anong pinagkakaguluhan nila-at wala din naman akong pake.
"Lovesicker! Waahhh!"
Pinagkakaguluhan na naman pala ang paboritong banda sa school. Haist. Palagi kong nakikita ang Lovesicker samantalang ang banda ni Monchi hindi ko manlang makasalubong!
"Isa isa lang girls!" Dinig kong sabi ni Axel.
"Wait! Wait! Yung shirt ko!"si Cooper.
"Kate! Hoy Kate!" Napalingon kami ni Kate ng tawagin sya ng kambal nya.
"Ano?!" Inis na sabi nya.
"Ikaw nga! Picturan mo kami!"
"What the-Psh!" Hinila naman ako ni Kate at inis na lumapit sa kanila.
Ayoko pa sanang sumama dahil baka kasama na naman nila yung lalaki kanina pero nang tumingin ako sa paligid ay wala sya.
Phew. Mabuti naman at wala sya.
Naging photographer naman si Kate kahit labag sa loob nya. Tinapon nya pa sa babae yung cellphone nito at humalukipkip nalang.
"Thank you Lovesicker! Waah!!"
"You're always welcome Loves"
"Kyaahh!"
Napaismid naman si Kate sa kambal nya ng makaalis yung mga babae. Si Kurt naman ay ngumisi sa aming dalawa.
"Kayo? Ayaw nyong magpapicture?"saad nya.
"Mukha mo! Nakakasawa na yang pagmumukha mo!"sabi ni Kate.
"Ah ganun pala huh?"biglang lumapit si Kurt kay Kate at pinalibot ang braso nya sa leeg nito na para bang sinasakal.
"Argh! Ano ba kuya!!" Inis na sigaw ni Kate.
"Aso't pusa na naman ang kambal na 'to"naiiling na sabi ni Cooper.
"Ano bang bago? Psh!" Sabi ni Axel at tumingin sakin.
"Hello magandang binibini? Siguro natatandaan mo ang napakagwapo kong mukha? Axel Ignacio nga pala-ARAY KATE!"
"LUMAYO KA NGA KAY LOUI!" Tinulak ng malakas ni Kate si Axel, nagkabungguan pa tuloy sila ni Copper na may iniinom na juice.
"Argh! My shirt!" Natapunan sila pareho ng juice.
Ngayon ang dugyot na nilang tignan. Haist, ganito ba talaga sila? Para silang mga bata.
"Such an idiots.."
Napatigil ako ng marinig ang isang boses na minsan ko ng napakinggan.
"Seriously? Messing here in public? How childish!"
Nakaramdaman ako ng kaba dahil alam kong nasa gilid ko lang sya, sinubukan kong pigilan ang sarili ko para wag syang tignan pero nag awtomatiko ang ulo ko at lumingon sa kanya.
Napatingin din sya sakin at binigyan ako ng isang nakakaasar na ngisi.
Waahh! Ayoko na!
"Hey Fangirl?"