Nasa rooftop ako ngayon, mag isa at nagmumuni-muni. Matapos ang foodtrip namin ng streefoods, dito agad ako dumeretso. I cried, again. Pero ngayon ay nagrerelax nalang ako. I can't cry all the time, kailangan kong mag isip ng mga paraan para sa akin bumaling si Caspian. "Oh no, the rhyme is not good enough" Naantala ang pag eemo ko ng makarinig ng tunog ng gitara at isang pamilyar na boses. "Keep me baby, I can show you how love-argh! Ang pangit!" Nilapitan ko kung saan yun nanggagaling. Nagulat ako ng makita si Damon. Naka indian seat, may notebook at gitarang dala. "Damon?" Napapitlag sya at agad na tinakpan ang notebook nya. "L..Louchi? What are you doing here?" "Dito ako tumatambay. Ikaw? Anong ginagawa mo?" "Uh.. nothing. Just playing"aniya at umiwas ng tingin. Umupo naman

