Nagsimula na ang performance ng Lovesicker, napakaraming tao na enjoy na enjoy sa panonood sa kanila. May mga guest rin na celebrity singers kaya lalo pang dumami ang mga tao. Ako naman ay prenteng nakaupo sa unahan, hindi mawala ang ngiti ko kay Caspian dahil madalas syang pasulyap-sulyap at pangiti-ngiti sakin habang kumakanta. "And now.. this is what we have been waiting for, our talented Star tonight! Sierra!" "We could leave the Christmas lights up 'til January This is our place, we make the rules" Kumakanta si Sierra sa stage, nandoon parin si Caspian pero hindi sya kumakanta dahil isinasayaw nya lang si Sierra. Yung saya ko kanina ay napalitan ng lungkot. Bawat pagtitingan nila sa isa't isa, bawat simpleng pagdampi ng balat nila ay kinakikiligan ng mga tao sa paligid. Makikita

