Hindi ko na sya nilingon, dahil oras na gawin ko yun ay baka makagawa na talaga ako ng eksena. Ako nalang palagi ang nagtitimpi, ako nalang palagi ang may mahabang pasensya, minsan naiinis ako sa sarili ko dahil sa ganitong ugali ko. "Who is she?" Doon ko lang napagtanto na nasa tabi ko pala si Jared. Hindi ko sya sinagot, imbes ay lumapit ako kay Caspian na tulog na tulog. Nakaramdam ako ng galit at sakit habang nakatingin sa kanya. "He's your boyfriend right? Bakit naghahalikan sila kanina?"tanong ulit ni Jared. Napapikit ako at bumuntong hininga. Hayan na naman sa napakaraming tanong, parang gusto ko ng busalan ang bibig nya. "Jared please, wag ng maraming tanong. Pwede bang tulungan mo nalang akong dalhin sya sa kotse?" Mahinahon kong saad. Hindi kuntento ang mga tingin nya sa si

