Chapter 01
Mariana's Pov
Papauwi na ako galing school nang may itim na kotse ang humarang sa daraanan ko. Apat na lalaki ang bumaba mula d'on at pwersahan akong hinila papasok sa loob. May panyo silang tinakip sa bibig ko. Dahil sa kakaibang amoy na iyon, unti-unting nagdilim ang paningin ko.
.
.
.
Nagising ako sa isang lugar na napakaingay kung saan maririnig mong nagkakapresyuhan. Sinubukan kong gumalaw pero nakatali pataas ang kamay ko. Diko malaman kung nasaan ako dahil may takip ang mga mata. Sobrang nilalamig na ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari.
"Narito sa harapan niyo ang ipapasubasta namin. Bata pa siya at malamang birhen pa." Sabi ng lalake sabay haplos sa katawan ko.
Diko na napigilang umiyak. Pakiramdam ko, lahat ng tao ay nakatingin sakin.
"100,000" sigaw ng lalake.
"200,000!!!"
"May itataas pa ba?"
"500,000!!!"
"500,000 may itataas pa ba?" Sabi ng lalake at agad tinanggal ang takip sa mata ko.
Nakita ko ang mga tao na nakatingin sakin..
Bakit ako napadpad dito?
"550,000" sigaw ng matanda.
"Deal na ba sa 550,000?"-lalake.
"Manong, bakit niyo ako dinala rito? Bakit pinipresyohan niyo ako?!" Tanong ko.
"Binebenta ka namin. Ang bibili sayo, 'yon ang magmamay-ari sayo."
"A-ayoko!!! Pakawalan niyo ako!!!"
"1,000,000!!!"
Sigaw ng lalakeng may mala-anghel na mukha.
Wala nang sumingit pa at ang taong iyon ang nakabili sakin.
"Bitawan niyo ako!!!" Pagpupumiglas ko dahil hatak ako ng dalawang lalake.
Tinulak nila ako papasok isang kwarto at agad nilock.
"Buksan niyo 'to! Pakawalan niyo ako!!" Pero ayaw nilang makinig.
"Mag-iingay ka na lang ba?"
Napalingon ako nang makarinig ako nang nagsalita. Isang lalake na nakaupo sa kama.
"Sino ka?"
Tumayo siya at naglakad papalapit sakin.
Hinawakan niya ang mukha ko.
"I'm Krause. Ako ang bumili saiyo. Simula ngayon, sakin ka na."
Tinulak ko siya palayo. Ayokong hinahawakan ako.
"Hindi. Hindi mo ako pagmamay-ari. Pakawalan mo ako!!! Gusto ko nang umuwi."
"Paano kung ayoko?"
Bigla niya akong hinablot papuntang kama. Napahiga ako at siya naman ay pumaibabaw sakin. Pilit akong nagpumiglas pero ang lakas niya.
" Sakin ka na ngayon. Kaya gagawin mo ang lahat ng gusto ko!!!"
Pumatak ang mga luha ako nang maglapat na ang mga labi namin. Kinuha niya ang unang halik ko.
Marahas niyang sinira ang suot ko hanggang sa panloob na lang ang natira sakin.
Tinigil niya ang paghalik sakin at pinagmasdan ang kabuohan ko.
"Hindi ko kukunin ng pwersahan ang pagkabirhen mo. Ingatan mo iyan hanggang sa araw na kunin ko na iyan sayo.."
Iyon ang mga salitang binitawan niya bago umalis at iniwan na ako..
Dinala nila ako sa isang malaking mansion at dito sa malaking kwarto ikinulong.
Nakatulala at di masikmura ang mga nangyari sakin kanina.
Pilit akong pinapakain ng isang lalake. Halata sa ikinikilos niya ang takot na pwedeng mangyari sa kanya kapag hindi ako kumain.
"Kumain na kayo. Alagaan mo ang sarili mo. Ayaw ni boss Krause ang babaeng mahina."
Napatingin ako sa kanya.
"Ano naman ang mangyayari kung manghina ako..?"
" Papatayin ka niya dahil wala ka nang silbi."
Napaluha ako bigla.
Daig ko pa ang bilanggo dito.
"Tulungan mo ako.." pakiusap ko.
"Patawad. Hindi ko pwedeng gawin 'yon. Kapag ginawa ko 'yon, papatayin niya ako.."
"Gano'n siya kasama?" Nanginginig na tanong ko.
"Sundin mo lang ang gusto niya. Nang sa gano'n magkaroon ka ng kalayaang lumabas sa kwartong ito.. kaya alagaan mo ang sarili mo.."
Marahil tama siya. Buhay pa ako dahil may silbi pa ako sa Krause na 'yon.
"Sige. Gagawin ko.."
Kumain na ako. Ayokong patayin na lang basta ng boss nila.
"Salamat sa pagkain.. a-ano nga pala ang ngalan mo?"
"Ako si Drake.."
Ang ganda niya ngumiti at mukhang mabait pa.
" Pwede mo ba akong kwentuhan tungkol sa Boss mo?"
" Kill Krause zeiralliv ang pangalan ng boss ko. 21 years old palang siya halos kaedad ko lang. Sa edad na 'yon, namahala na siya nang malaking kompanya na pagmamay-ari ng pamilya nila. May dalawa siyang kapatid na lalake. Sa pagkakaalam ko, siya ang bunso kaya malaki ang inggit sa kanya ng mga kapatid niya."
"Hindi lang ba ako ang babae niya dito sa mansion niya? May iba pa ba? Bu-buhay pa ba sila?"
"Ikaw lang ang babaeng pinatira niya dito. Dito mismo sa kwarto niya."
Kwarto niya 'to?
Ibig sabihin, pupunta siya dito.
Baka gawin niya ulit ang ginawa niya kanina..
"Kailangan ko nang umalis." Sabi nito at kinuha na ang pinagkainan ko.
Mamaya ay pupunta siya dito..
Ang taong 'yon, kahit mala-anghel ang mukha niya, nakakatakot parin siya..
Kailangan ko lang gawin ang lahat ng gusto niya para magkaroon ako ng kalayaang lumabas sa kwartong ito. Kapag nangyari iyon, hahanap ako ng pagkakataon para makatakas..
.............
Krause's Pov
"Ito po ang data na nakuha namin tungkol sa babaeng pinasobasta. Siya si Mariana Lavalle. 1st year college at working student. Ulila sa ama at may sakit ang Mama niya. Ang nagbabantay sa mama niya ay Lola niya. Totoong na- kidn*pped siya at dinala sa subastahan."
"Patayin niyo ang may-ari ng subastahan para di na maulit ang nangyari."
"Opo Boss."
Lumabas na ako ng office. Gusto ko nang umuwi para makita siya.
.
.
.
Pagdating sa kwarto, wala siya sa kama. Narinig kong nakabukas ang shower.
Bumukas ang pinto at lumabas siyang nakatapis lang ng twalya.
Nabigla siya dahil di niya inaasahang nandito na ako..
........
Mariana's Pov
Hindi ko inaasahang maaga siya uuwi. Wrong timing dahil nadatnan niya ako sa ganitong ayos.
Nagsimula na siyang humakbang palapit sakin habang ako ay mahigpit na nakahawak sa towel ko.
Hinawakan niya ang pisngi ng mukha ko. Hindi ko magawang makatingin dahil natatakot ako.
"Hindi bagay ang suot mo." Sabi nito at inalis ang kamay ko na humahawak sa towel ko..
Siya mismo ang nagtanggal ng towel ko at lumantad sa kanya ang hubad kong kabuohan..
Napansin ko ang pag ngiti niya. Unti-unting niyang inilapit ang sarili at hinalikan ako sa labi. Dinala niya ako sa kama at doon marahas na hinalikan.
Ganito na lang ba?
Ganito na lang ba ang buhay ko?
"Ahh.." diko napigilan ang sarili ko nang bumaba ang halik niya sa dibdib ko.
Ang katawan ko ay nakararamdam ng init..
Tumigil siya sa ginagawa niya nang marinig niya ang pag-iyak ko.
"Ssshhh.. tahan na.." sabay haplos sa mukha ko.
Nakita kong pinagmamasdan niya ako.
Pinunasan niya ang luha ko..
"Ang sabi mo, hindi mo ako pupwersahin.. bakit ginagawa mo 'to?"
"Inakit mo kasi ako.."
"Hindi kita inakit."
Umalis siya sa ibabaw ko nang mag-Ring ang cellphone niya. Kumuha ako ng kumot para takpan ang katawan ko.
Inakit ko raw siya?
E siya nga itong lumapit sakin.
Pinagmasdan ko lang siya habang may kausap ito sa cellphone.
"Bakit napatawag ka?" Sagot niya sa kausap niya sa kabilang linya .
Halatang naiinis ito.
"Anong paki mo kung may libangan ako?" Sabay tingin sakin.
Baka ako ang pinag-uusapan nila?
"Subukan mong galawin ang libangan ko, kahit kapatid pa kita, ibabaon kita sa lupa."
Sa pikon niya, hinagis niya ang cellphone niya. Sayang, nabasag lang.
Lumapit siya sakin habang ako nakaupo parin sa kama niya.
"Medyo naiinis ako, Gusto kong maligo baka gusto mong sabayan ako?" Tanong niya sakin habang inaalis ang belt niya.
"Ah? Ta-tapos na akong maligo e."
"Pero marumi ka pa. Ako nang maglilinis sayo.."
Hinawakan niya ako sa braso ko para isama sa loob ng banyo.
"Te-teka lang!!"
Naalala ko ang sinabi ni Drake.
Sundin ko lang ang gusto nitong Krause na 'to at siguradong hindi niya ako papatayin.
Nang makapasok na kami, binuksan niya ang shower. Nagpakabasa siya kahit may suot pa siyang damit. Muli niya akong hinawakan at hinila palapit sa kanya. Naramdaman ko muli ang init ng tubig na dumadaloy sa hubad kong katawan.
"Ikaw ang magtanggal ng damit ko.." utos niya sakin.
Sinunod ko iyon habang siya ay pinagmamasdan ako. Nasanay narin ata ako na makita niya ang lahat sakin.
Isa-isa kong tinatanggal sa pagkakabotones ang damit niya.
Diko maiwasang mailang..
Bakit ako?
Bakit ako pa ang napiling mapadpad sa lugar na ito?
Paano na ang mama ko kapag wala na ako? Kainis talaga!!!
Napatingin ako sa kanya nang maramdaman ko ang init ng pala niya na humahaplos sa bewang ko. Tumataas ito hanggang sa makarating sa pisngi ko.
"H'wag kang matakot. Sundin mo lang ako at makikita mong mabait ako. Matakot ka kapag nagalit ako.."
Tumango na lang ako sa sinabi niya..
Hinalikan niya ako at sa pagkakataong ito, sumabay na ako sa gusto niya.
Ang kamay niya ay tuluyan nang naglakbay sa bawat parte ng katawan ko. Sinunod ko lahat ng gusto niya hanggang sa umabot kami sa kama.
Pero kahit bumigay na ako,
Hindi niya parin kinuha ang kinaiingatan ko..
.
.
.
.
Sa mga oras na ito ay natutulog na siya. Dahan-dahan akong umalis sa kama.
Siguro naman, hindi nakalock ang pinto dahil nandito siya sa loob.
Binuksan ko ang pinto at walang tao ang nakabantay sa labas. Lumabas ako at dahan-dahang naglakad.
Mukhang makakatakas na ako.
Napapa-Wow ako sa laki ng Bahay na ito. Sobrang yaman nga siguro ng Krause na 'yon.
Habang naglalakad ako, may kung sinong humatak sa likod ko na agad yumakap sakin.
Tinakpan niya ang bibig ko gamit ang kamay niya.
"Hmm!!!"
"Ikaw siguro ang pinagkakaabalahan ng kapatid ko?"
Kapatid? Ang taong ito ay kapatid ng Krause na 'yon?
"Ang bango mo.." sabi niya at naramdaman kong dinilaan niya ang batok ko.
"Hmm!!!"
Tulong!!! 'yon ang gusto kong isigaw pero diko magawa.
"Paligayahin mo ako ngayon.."
A-ayoko nga!!!
Diko na nga kinaya ang ugali ng Krause na 'yon, dadagdag ka pa?!
Nagpumiglas ako sa pagkakayakap niya. Malakas na pagsiko ang ginawa ko para mapa-aray siya.
"ARAY!!!!"
Nakawala ako sa kanya. Tumakbo ako palayo pero naabutan niya ako. Nahablot niya ang buhok ko dahilan para mapatigil ako.
"Ah!! Aray!!ang sakit!! Bi-Bitawan mo ang buhok ko!!"
Hinatak niya ako at itinulak ng malakas sa pader. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at sinimulang halikan ang leeg ko.
"Hwag!!! Tama na!!"
"Hwag kang mag-ingay!"
Sinampal niya ako at balak naman niya akong suntukin para patahimikin ako. Napapikit ako dahil diko alam kung ano ang mangyayari sakin kapag nasuntok ako.
"Subukan mong gawin iyan, tapos ka sakin.."
Napamulat ako dahil sa pamilyar na boses na narinig ko.
Si Krause..
Nawala ang pagkakahawak sakin ng kapatid niya. Napatakbo ako palapit kay Krause at agad yumakap.
Ewan ko. pero kung papipiliin ako sa dalawang ito. Mas makakaya ko pa ang ugali ni Krause.
"Sinabi ko sayo, hwag mong ginagalaw ang mga pagmamay-ari ko lalo na ang babaeng ito."
"Long time no see.."
Sino naman kaya ang lalakeng 'to?
Mukhang hindi sila magkasundo ni Krause.
"Baka gusto mo akong ipakilala sa babaeng libangan mo?" Sabi nito kay Krause.
Tumingin naman sakin si Krause na walang emosyon. Diko tuloy mahulaan kung ano ang iniisip niya ngayon.
"Siya si Mariana." Sabi nito.
Alam pala niya ang pangalan ko?
Wala naman akong nasabi kanina ah.
"Maganda siya. Siya ang mga tipo kong babae.." sabi ng kapatid ni Krause.
"Siya rin ang tipo ko pero.."-krause.
Inalis niya ang pagkakayakap ko sa kanya. Hinawakan niya ang braso ko at itinaas ito na para bang pinamimigay niya ako.
"A-anong ginagawa mo?" Nagtatakang tanong ko kay krause.
"Ibibigay kita kay Kiel total type ka niya."
"A-ayok-" medyo nasasaktan ako sa paghawak niya sa braso ko.
"Sayo na siya. Dahil sa ginusto niyang umalis sa kwarto ko, ibig sabihin hindi niya ako gusto. Ibibigay ko na siya sayo. Bahala ka na kung ano ang gusto mong gawin sa kanya."
Seryoso talaga siya?
Ayokong mapunta sa Kiel na 'yon. Baka mas malala pa ang gawin niya sakin tulad kanina.
"Sigurado kang ibibigay mo siya?" Paniniguro ni Kiel.
"Oo. Hindi niya ako gusto kaya sayo na siya."
Hindi. Ayoko kay Kiel. Kaya...
"GUSTO KITA KRAUSE!!! GUSTO KONG MANATILI SAYO!! GUSTO KITA!!" Sinigaw ko 'yon dahil ayokong mapunta kay Kiel.
Nawala ang higpit ng pagkakahawak niya sa braso at niyakap niya ako. Napatingin ako sa kanya at nakita kong gumuhit ang magandang ngiti sa labi niya.
"Mukhang nagkamali ata ako. Pasensiyahan na lang dahil gusto niya pala ako. Kaya sakin siya."
"Hahaha. Hanggang ngayon mahilig ka parin makipaglaro. Pero okay lang, maghahanap na lang ako nang ibang magpapaligaya sakin. Ang totoo niyan, kinamusta lang kita. Kailangan ko nang umalis.."
Tinalikuran na kami ni Kiel at tinahak ang daan palabas.
Ang inaalala ko ngayon ay kung ano ang gagawin sakin ni Krause dahil sa pagtakas ko. Bumalik kami sa kwarto niya. Naupo siya sa kama niya at ako naman ay nakatayo sa harapan niya.
Kinakabahan ako sa gagawin niya.
"Lumapit ka sakin at lumuhod ka."
Sinunod ko ang utos niya at lumuhod ako sa harapan niya. Sinimulan niyang haplosin ang buhok ko at sunod ang mukha ko.
"Gusto mo na bang umuwi?"
Hindi ako makapaniwala sa tanong niya.
Oo. Gustong-gusto ko nang umuwi. Gusto ko na makita ang mama at Lola ko. Siguradong nag-aalala na sila sakin.
Gusto ko na talagang umuwi..
"Oo. Pauwiin mo na ako.. gust--" naputol ang sasabihin ko nang halikan niya ako.
Pagkatapos ay tinitigan niya akong muli.
"Ibabalik na kita sainyo.."
Dahil sa saya na naramdaman ko, bigla ko siyang niyakap.
"Salamat Krause.."
.
.
.
.
.
.
Kinaumagahan,
Sakay ako ng kotse ni Krause. Nasa tapat na kami ng bahay ko. Pati bahay ko alam niya.
Sabay kaming bumaba..
"Salamat dahil pinakawalan mo na ako. Pangako hindi ako magsusumbong."
"Wala akong pakealam kung magsumbong ka kahit kanino. Isa lang ang sisiguraduhin ko, ako ang papatay sayo pati sa pamilya mo."
Napalunok ako bigla dahil sa pagbabanta niya.
Inabot niya sa kamay ko ang isang cellphone.
"Sakin 'to?"
"Oo. Kahit malaya ka na sa kamay ko, sakin ka parin. Gusto mo ako diba?"
"O-Oo.. gusto kita.."
May inabot pa siyang papel sakin.
"Hanggang sa muli nating pagkikita, mariana.."
Muli siyang sumakay sa kotse niya. Tinanaw ko lang siya hanggang sa makalayo siya..
Tiningnan ko ang papel na binigay sakin. Tseke pala 'to.
100,000??!!!!
Para sakin ba talaga ito?
Maangas siya magsalita pero sa tingin ko mabait naman siya..
"Mariana!!!"
Napalingon ako sa taong tumawag sakin. Agad niya akong niyakap nang mahigpit.
"Saan ka ba nagpunta? Nag-aalala saiyo ang Lola mo dahil ilang araw kang hindi nakauwi." Sabi ng boyfriend kong si Jillian.
Kusang pumatak ang mga luha ko.
"Na-miss kita.. Jillean.."
Sorry, kailangan kong makipaghiwalay saiyo para di ka madamay sa gulong napasok ko..
"Nag-alaala ako sayo. Lalo na nang mabalitaan ko sa Lola mo na hindi ka pa umuuwi." Sabi ni Jillean.
Hinawakan ko ang kamay niya para mawala ang pag-aalala niya.
"Okay lang ako. Wala namang nangyari. Naligaw lang ako sa daan kaya di ako nakauwi."
"Gano'n ba? Kung sakaling magkaproblema ka, nandito lang ako.."
Mahal ko ang lalakeng 'to.. mahal na mahal. Sobrang laki ng respeto niya sakin. Kaya niyang maghintay ng matagal para lang sakin.
Lumapit ako sa kanya at hinalikan ko siya..
"Bakit mo ginawa iyon? Akala ko ba bawal ang halik hangga't hindi tayo kasal?"
"Na-miss talaga kita kaya ko nagawa iyon.."
Sorry.. dahil ang unang halik ko ay nakuha na ng iba.
"Gusto kong puntahan si mama sa hospital. Gusto ko siyang makita." Pag-iiba ko sa usapan.
"Wala na siya sa hospital. Nakauwi na sila kahapon kaya nandito na siya sa bahay niyo.."
"Paano mangyayari iyon? Malaki ang bayarin namin sa hospital. Wala pa akong binabayaran doon.?"
"Sa pagkakasabi ng mama mo, may taong nagpunta doon para tulungan sila. Ang mahalaga nakalabas na ang mama mo. Sa tingin ko kailangan mo nang umuwi."
"Sa tingin ko rin.."
"Magkita na lang tayo sa school bukas."
"Sige.."
Naglakad ako papasok ng gate.
Sino kaya ang taong nagbayad ng hospital Bill namin?
Isang tao lang naman ang naiisip ko. Si Krause kaya 'yon..?
Pagkapasok ko sa loob, nakita ko ang mama ko.
"Mama?"
"Mariana, anak ko. Saan ka nanggaling?"
"Mama ko.." tumakbo ako para yakapin siya. Tuluyan na akong napaiyak.
Akala ko talaga hindi ko na sila makikita..
"Anak. Bakit ka umiiyak? Tahan na.." sabi ni mama at pinupunasan ang mga luha ko.
"Wala po mama.." niyakap ko siya nang mahigpit.
Hindi ko magawang maikwento ang mga nangyari sakin.
Natatakot ako na baka totohanin ni Krause ang banta niya sakin.
Ayokong may mapahamak o may madamay pang iba dahil lang sakin..
Nakipagkwetuhan, tawanan ako sa mahal kong mama at Lola. Pagkatapos ay pumanik na ako sa kwarto ko. Ang tsekeng binigay sakin ni Krause, inipit ko sa Bible.
Bakit hindi ka mawala sa isip ko, Krause...
Ikaw lang ang nakagawa sakin nang ganito..
Sana panaginip lang ang lahat ng ito..
.
.
.
.
.
"Mariana, gising na. May pasok ka pa." Tawag ni mama.
Napabangon ako at agad tumingin sa orasan .
"Naku, late na ako."
Nagmadali akong pumasok sa banyo para maligo. Pagkalabas ay agad din akong nagbihis.
Kinuha ko ang bag ko at dali-daling bumaba.
"Mama, Alis na po ako."
"Dika ka ba mag-aagahan?"
"Hindi na po. Male-late na po ako."
"Sige anak. Mag-iingat ka."
"Opo."
.
.
.
.
.
Pagdating sa school, tumunog na ang bell. Tumakbo na ako dahil male-late na talaga ako.
Pero biglang may humatak sakin at tinakpan ang bibig ko.
"Hmm!!"
Isinandal niya ako sa pader..
Diko makita kung sino ang nasa likod .
"Ssshhh... H'wag kang maingay.."
Ang boses na iyon?
Inalis niya ang pagkakahawak sakin. Hinarap ko siya at hindi nga ako nagkamali sa hinala ko.
"K-krause? A-anong ginagawa mo rito sa school ko. ?"
Pinagmasdan ko ang suot niya. Naka-uniform din siya.
"Estudyante na ako dito.."
"Ano?!"
Hinila niya ako papasok sa Cr ng mga lalake.
"Ano ba? Bakit mo ba ako pinapapasok dito..?"
"Kasi gusto ko."
Pagkapasok sa loob, napaupo ako may toilet bowl.
"Palabasin mo nga ako. Male-late na ako."
"Okay lang iyan. Akong bahala sayo.." sagot nito at agad yumakap sakin.
"Ano ba?" Umalis ako sa pagkakayakap niya at tumayo ako.
Sa tingin ko hindi niya nagustuhan 'yon.
"Mukhang nakakalimot ka ata.." sabi niya at hinaplos ang buhok ko.
Nanatili akong tahimik..
Sempre hindi ko makakalimutan ang banta niya.
"Pagmamay-ari kita. Hindi dapat mawalala sa isip mo 'yon.." seryosong sabi nito.
"S-sorry.."
Hinawakan niya ang mukha ko para itingala sa kanya. Unti-unting lumapit sakin ang mukha niya at hinalikan ako. Napapikit ako sa ginagawa niya. Hinawi niya ang buhok na humaharang sa leeg ko at doon bumaba naman halik niya..
Mas dumiin ang katawan niya sa katawan habang hawak niya.
"Aahh.." diko maiwasang mapaungol dahil sa ginagawa niyang pagsipsip sa leeg ko.
Ang dalawang kamay ko ay napakapit na lang sa likod niya dahil sa kakaibang nararamdaman ko.
"T-tama na.. Krause.."
Tumigil siya at napaupo naman ako habang ang hawak ang leeg ko.
Kainis.. kahit dito nag-iinit siya?
"Pumasok ka na baka ma-late ka pa.."
Nakita ko ang pag ngiti niya.
Kainis. Tumakbo ako palabas ng Cr. Tinungo ko ang room ko at nakita ko sa labas room si Jillean.
"Mariana. Bakit late ka?!"
Pinunasan ko ang pawis ko sa noo at inayos ko ang buhok ko.
"Ano.. traffic kasi." Sagot ko at pumunta na ako sa upuan ko.
Halos di ako mapakali.
Nandito sa school si Krause.
Kung laging ganito si Krause baka magkrus ang landas nila ni Jillean..
Tumahimik ang lahat pagkadating ng teacher namin.
"Class, may ipakikilala ako sainyo na magiging part ng klase. Siya si kill Krause zeiralliv ang bago niyong classmate.."
Pumasok si Krause at nagsipaghiyawan ang mga classmate ko..
Natuon ang tingin niya sakin at ngumiti ng bahagya.
Ano bang tumatakbo sa isip niya?
Balak niya talagang guluhin ako?
Iniwas ko ang tingin ko. Napahawak ako bigla sa leeg ko. Naalala ko ang ginawa niya kanina. Ang sakit kaya..pakiramdam ko may sugat ako sa leeg e.
"Mamili ka kung saan mo gustong maupo Mr. Zeiralliv." Sabi ni teacher.
Sa paglalakad niya palang, nagsipagtilian nanaman ang mga classmate kong babae at wala siyang pakealam d'on dahil sakin siya nakatingin.
Oo, diko maipagkakaila na magandang lalake talaga siya. Maganda ang tindig ng pangangatawan at may abs pa.
Napahawak na lang ako sa ulo ko dahil naalala ko ang pinagawa niya sakin no'n, na ako mismo nagtanggal ng damit niya. ><
Ang puti niya pa. Halatang mayaman talaga siya..
Lumakas ang kaba ko dahil si Jillean ay nandito lang sa harapan ko.
Please, h'wag kang gagawa ng eksenang ikapapahamak ko..
Okay lang kung tayu-tayo lang pero h'wag na hwag sa harapan ng boyfriend ko..
Huminto siya sa side ko..
Ramdam ko agad awra niya at alam kong ako ang tinitingnan niya ngayon..
Maya-maya ay umupo siya sa bakanteng upuan na nasa likuran ko.
Nakahinga ako ng maayos dahil wala siyang ginawang masama ngayon.
Nag attendance muna si teacher.
"Okay class, ang gagawin natin ngayon ay pupunta kayo isa-isa dito sa harap at magkukwento kayo tungkol sa buhay niyo. Tell about your life. At dahil may new student tayo, siya ang mauunang magkwento tungkol sa buhay niya. Mr. Zeiralliv, maaari mo ba kaming kwentuhan tungkol sa buhay mo?"
"Ako agad? Ganito pala mag welcome dito.. "
Sabi ni Krause at tumayo siya para pumunta sa harapan.
"Ang gwapo niya diba, Mariana?" Sabi ni Sabrina.
Isa sa mga babaeng sikat sa school namin. Maganda at mayaman siya.
"A e.. Oo. Gwapo nga."
Natahimik si Sabrina habang nakatingin sakin. Bakit kaya?
Hinawi niya ang buhok ko..
"Ano iyang nasa leeg mo?"
"Hah? Bakit? Anong meron?"
May kinuha siya sa bag niya at inabot sakin ang isang salamin.
"Tingnan mo."
Tiningnan ko yung tinutukoy niyang nasa leeg ko.
Nanlaki mata ko sa nakita ko.
"Ano 'to? Ano 'tong pula sa leeg ko?"
"May kiss mark ka, Mariana. Omg! Ginawa saiyo ni Jillean iyan?" Sabat naman ni aira.
"Ki-kiss mark?!"
Kiss mark pala ang ginawa ng baliw na iyon?!
Napalingon sakin si Jillean. Agad kong tinakpan ang nasa leeg ko.
"Hahaha. Kagat lang 'to ng langgam. Kayo talaga, ang green minded niyo. hehehe." T ^ T.
Pinagpawisan ako do'n ah.
Si Krause ang may gawa nito e.
Kakagigil siya..
"I'm kill Krause. CEO of Zeiralliv company."
CEO ng Zeiralliv company?
Zeiralliv company?!!!
Isa sa pinakamyaman na kompanya 'yon at ang Krause na 'to ang humahawak do'n?
"Nabigla kami sa nalaman namin Mr. Zeiralliv. Pero anong dahilan para mag-aral kayo ulit dito sa aming school?"-teacher.
"Nandito ako para sa isang babae."
Nagsipagtilian ang mga classmate ko. Yung iba inaako na sila raw ang tinutukoy ni Krause.
"Ito lang ang sasabihin ko sa kanya kung nakikinig man siya.. Hindi mo ako matatakasan dahil sakin ka lang.." sinabi niya iyon habang nakatingin sakin.
Napayuko ako at kunwari may ginagawa ako.
Bumalik siya sa upuan niya at si Jillean naman ang pumunta sa harapan.
"Nagustuhan mo ba ang sinabi ko sa harap?" Tanong niya.
"Sempre hindi.." pabulong na sagot ko.
Natuon sa harap ang atensyon ko dahil sa sinabi ni Jillean.
"Gagawin ko ang lahat para sa babaeng mahal ko. Mamahalin ko siya hanggang kamatayan. Mariana, mahal na mahal kita.."
Nagsigawan at tilian ang lahat.
Tagos sa puso ang mga binitawan niyang salita.
Mahal din kita Jillean..
"Boyfriend mo?" Tanong mula kay krause.
Hindi.. narinig niya ang mga sinabi ni Jillean.. paano na 'to?
"Bibigyan kita ng isang araw para makipaghiwalay sa kanya. Dahil kung hindi, kailangan ko siyang alisin sa landas ko." Seryosong sabi nito habang nakatingin kay Jillean ko.
"Dahil pagmamay-ari na kita.." dugtong nito sabay tingin sa akin..
Si Jillean, aalisin niya sa landas niya? Papatayin niya ang mahal ko..
.
.
.
.
Natapos ang araw..
Nasa gate na kami ng school ni Jillean. Magkahawak kamay habang naglalakad..
"Jillean, h'wag mo na ako ihatid.. I mean, h'wag na kailanman.."
"Bakit? May problema ba? May nagawa ba akong mali?"
Umiling ako sa sinabi niya.
"Wala. Wala kang nagawang mali."
"Kung wala pala, anong problema?"
"Hindi na ako nararapat sayo.. magbreak na tayo. Sorry.. sorry--"
Niyakap niya ako nang mahigpit.
"Hindi ko maintindihan kung bakit ginagawa mo ito. Ayokong tanggapin ang sinasabi mo. Mahal kita Mariana.."
Sa mga oras na ito gusto ko nang maiyak pero sa di kalayuan, natatanaw ko si Krause na pinapanood ang eksenang ito sa pagitan namin ni Jillean. Naniniguro siya na makikipaghiwalay ako..
Ang sama mo, Krause..
Kumawala ako sa pagkakayakap ni Jillean.
"Sorry.." sambit ko at tumakbo na ako palayo.
Habang naglalakad, patuloy sa pag-agos ang mga luha ko.
Kasalanan mo 'to Krause!!!
Sobra na ang ginagawa mo!!!
Isang itim na kotse ang humarang sa daraanan ko. Bumaba mula doon ang devil na si Krause.
Lumapit siya at niyakap ako.
"Tahan na. Tama lang ang ginawa mo."
Tinulak ko siya palayo.
"Tama na!!! Ano ba talaga ang gusto mo? Sabihin mo para tigilan mo na ako!!!" Diko na napigilan ang galit ko.
"Ikaw.. ikaw ang gusto ko.."
.............
Krause's Pov
"Ikaw... Ikaw ang gusto ko.."
"Ako? Hahaha.." natawa siya habang lumuluha..
Hinawakan niya ang isang kamay ko at hinaplos ito sa leeg niya pababa sa dibdib niya.
"Katawan ko lang naman ang gusto mo diba? Titigilan mo na ako kapag nakuha mo na ang gusto mo sakin, diba? Alam mo, Nagpapasalamat ako saiyo dahil kinuha mo ako sa subastahan pero ang guluhin ang buhay ko? Maling-mali ka na d'on.. kaya nga, handa na ako.. handa ko nang ibigay ang sarili ko sayo.." sabi niya at lumapit sakin.
Ipinalibot niya ang dalawang kamay niya sa batok ko at d'on hinalikan ako..
Hinawakan ko siya sa magkabilaang balikat niya para pigilan sa paghalik niya.
"Pasensiya niya. Ayoko sa babaeng napipilitan lang.."
"Ano?"
"Sumama ka sakin.."
..............
Mariana's Pov
Ano? Ito naman ang gusto niya sakin ah. Ang mauna siya.
"Sumama ka sakin.."
"Kapag sumama ba ako, lalayuan mo na ba ako..?"
"Depende kung mag-eenjoy ako.."
Tumango na lang ako..
"Sige, sasama ako.."
"Mariana!!!"
Napalingon kami ni Krause sa tumawag sakin.
"J-Jillean..?"
"Siya ba ang dahilan kung bakit ka nakipagbreak ka sakin?"
Bakit nandito siya?
Nakita ba niya ang ginawa ko kanina?
Narinig kaya niya ang lahat?
"Mahal kita Mariana.. hindi ko matatanggap ang makikipaghiwalay mo sakin."
Tama na..
Ginagawa ko ito para sayo Jillean.. patawarin mo ako kung kailangan kong magsinungaling sayo..
"Bakit di mo sabihin sa kanya na mahal mo ako para matanggap niyang wala na kayo.."-nakangiting sabi nito.
"Natutuwa ka bang makita ang sitwasyon naming ito? Pero Sige, susundin ko ang utos mo para sa kasayahan mo.." mahinang sabi ko kay krause.
Humarap ako kay Jillean habang walang tigil sa pag-agos ang mga luha ko.
"Patawad.. mahal ko si Krause. Gusto kong tapusin ang relasyon natin.."
Ayoko.. gusto kong manatili sa relasyon natin.
Mahal kita...
"Hindi.. HINDI AKO PAPAYAG!!!"
Tumakbo siya palapit samin. Sinuntok niya si Krause dahilan para mapasandal ito sa kotse niya.
Pero, tumayo si Krause at gumanti ito kay Jillean.
Walang gustong magpatalo sa kanila. Subalit, mas malakas si Krause sa kanya at nanatiling nakaupo si Jillean sa lupa habang duguan ang bibig nito.
Naglakad si Krause papuntang kotse niya at binuksan ito. May kinuha siyang bagay sa loob. Nabigla ako nang ilabas niya ito at pinaputok kay Jillean.
BANGGGGGGG!!!!!!!
Umalingaw-ngaw ang ingay ng baril.
Ang Bala ng baril ay tumama sa lupa malapit kay Jillean. Muli niyang ikinasa ang baril at itinutok ito kay Jillean.
"Sa susunod na putok nito, ikaw na ang tatamaan.." mahinahon ngunit seryosong sabi ni Krause.
Nang malapit na niyang kalabitin ang gatilyo, tumakbo ako para yakapin si Jillean.
"H'wag!!! H'wag mo siyang patayin.."
"Tumabi ka.."
Humarap ako sa kanya at lumuhod.
"Pakiusap.. h'wag mo siyang papatayin.."
Pwersahan niya akong hinatak palayo kay Jillean.
"Ang pinakaayoko sa lahat, yung ginagalit ako!!!"
"Tama na please.." pakiusap ko at niyakap ko siya.
Sa huli, binaba na niya ang baril niya.
Binuksan ang pinto ng kotse at pinasakay niya ako.
Patawad Jillean...
.........
Jillian's Pov
Bakit Mariana...?
Bakit kailangan mong tiisin ang lahat ng ito?
Sana pinagtapat mo sakin ang lahat para matulungan kita sa Krause na iyan..
"Hinding-hindi kita ibibigay kay krause.."
To be continued..,