bc

All For You

book_age18+
217
FOLLOW
1K
READ
second chance
drama
twisted
weak to strong
like
intro-logo
Blurb

Identical twins si Isabel at Sophia na parehas lumaki sa bahay ampunan, ngunit dumating ang araw na sila'y napaghiwalay at magkaiba ng tinahak na kapalaran. Nais ni Isabel na maging malaya at pinasya nitong piliin ang sariling kaligayahan at iniwan ang sariling pamilya. Nabigo naman sa pag-ibig si Sophia dahilan para naisipan niyang wakasan ang sariling buhay, ngunit sa pag gising niya ay ibang buhay na ang kanyang makakagisnan.

Sandaling nawala ang kanyang memorya, ang sugatan niyang puso ay kusang naghilom sa panibagong buhay na kanyang mamumulatan sa piling ng lalaking nagpakilalang kanyang asawa kasama ng kanilang anak. Hindi man niya maalala ang kanilang nakaraan ay magagawa ng kanyang puso na umibig at magmahal ulit. Sa pagbalik ng kanyang nawalang ala-ala muling magtatagpo ang landas nila ng kakambal at muling guguho ang kanyang mundo ng mapag-alamang siya ang ipinalit sa buhay na tinalikuran nito, magagawa ba niyang talikuran ang pag ibig sa hindi niya asawa o kanyang ipagpapatuloy ang huwad niyang pagkatao. Magagawa ba siyang mahalin ng lalaki kung mapag-alaman nito ang tunay niyang katauhan?

chap-preview
Free preview
Part 1
Malalim na ang gabi ngunit hindi parin siya makatulog, kinabukasan na ang nalalapit na kasal nila ng kasintahang si Kael, muli pa siyang napangiti matapos pagmasdan ang puting gown na nasa silid. Napahinga siya ng malalim, ayan na naman ang kakaibang kaba sa kanyang dibdib matagal niyang hinintay ang araw na ito at sobrang nasasabik na siya. May panghihinayang na napangiti siya ng maalala ang mga taong nagpalaki sa kanya, parehas na yumao ang nakagisnan niyang Ama at Ina,, hindi niya man lang makakasama ang mga ito sa pinaka espesyal na araw ng buhay niya pero gayunpaman ay nagpapasalamat parin siya na inaruga siya ng mga ito sa nakalipas na mga ilang taon. Pinasya na niyang humiga sa kama at matulog, hindi parin maalis ang kaba sa kanyang dibdib ganito pala ang pakiramdam pag ikakasal ka sa taong minahal at pinangarap mo na bubuo ng isang pamilya. Sinulyapan niya ulit ang nasa tabing telepono, mula pa kagabi hindi nagpaparamdam ang nobyo sa kanya, pinagbigyan niya lang ito dahil alam niyang ito narin ang huling gabi na malaya ito. Pinilit niya ng makatulog para makapag handa pa siya kinabukasan, pero wala pang isang oras ng maalimpungatan siya ng pagtunog ng kanyang cellphone. Pupungas pungas na napabangon siya at kinuha ito, agad rin namatay ang tawag at nagulat pa siya ng makita ang hundred plus na tawag at messages. Agad na umahon ang kaba sa dibdib niya, may nangyari ba sa kanyang kasintahan??, tatawagan na niya sana ito ng bigla ulit tumunog ang cellphone niya. Si Martha, ang pinsan ng kanyang nobyo at isa sa kanilang brides maid,, kinakabahan na sinagot niya ito,, "Hello Martha??", "Ate Sophia???", tarantang saad nito sa kabilang linya na lalong nagpakaba sa kanya "Martha? napatawag ka? anong nangyari?", "Ate ako ang dapat magtanong niyan, anong sinasabi ni kuya na walang kasalang mangyayari bukas?", halos mabingi siya sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya, agad din nanlamig ang buo niyang katawan, pinprank ba siya ng mga ito?? "Hah? prank ba toh Martha??", "Ate No,,,lahat kami ay tinawagan niya at sinabihan na wag ng pupunta ng simbahan,, nagkakagulo na kami dito sa bahay at nag-aalala sainyo ni Kuya", "No Martha, please calm down tuloy ang kasal namin ni Kuya mo. Sabihin mo kala mama at papa tuloy ang kasal,, tatawagan ulit kita at baka nangloloko itong kuya mo kakausapin ko lang siya", aniya dito saka agad na nagpaalam, lalong nagpaalarma sa sistema niya ang maraming text messages na galing sa mga kaibigan nila at kaanak, halos mapaluha na siya hindi ito pwedeng mangyari dahil handa na ang lahat at natitiyak niyang hindi iyon magagawa sa kanya ng kasintahan. Matagal nilang plinano ang pagpapakasal, lulan ang luha na sinuot niya agad ang jacket. Kailangan niyang makausap ito ng maayos, bukas na ang kasal nila at hindi pwedeng hindi iyon matuloy. Sunod sunod ang pag agos ng luha niya habang binabaybay ang daan papunta sa condo unit ng binata, nasisiguro niyang nandito ito ngayon marahil ay niloloko lang siya at gusto pa nito ng madramang eksena bago sila tuluyang makasal, bebeltokan niya talaga ito. Pero naron parin ang malaking takot at agam agam sa kanyang puso kung sakaling totoo ngang aatras ito sa kanilang kasal. Muntik pa siyang mangudngod sa manubela ng agad siyang nakapagpreno pagdating sa parking area, nanlalamig ang buo niyang katawan at malakas ang kabog ng kanyang dibdib. Malalaki ang hakbang na tinungo niya ang elevator at preness ang floor ng binata. Nasisiguro niyang nagloloko lang ito, pagdating niya doon tiyak niyang sasalubungin siya nito ng galak at tawa saka ito sisigaw ng it's a prank, mahilig kaseng manurpresa ang lalaki, abot abot ang dalangin niya na sana ay ganoon nga. Hanggang sa bumukas ang elevator, mabilis na siyang humakbang papunta sa harap ng pintuan nito. Pagpihit niya ng door knob ay naka locked ito, pero malakas ang kutob niya na naroon ito ngayon sa loob. Kinuha niya sa bulsa ang duplicate ng susi nito saka marahan na ipinasok sa loon ng door knob, habang binubuksan niya ito ay mas lalong lumalakas ang kaba niya kasabay ng pamamasa ng kanyang mga mata. Medyo madilim ang paligid, hindi nakalampas sa kanya ang amoy ng alak matapos makapasok sa loob. Humakbang na siya papunta sa sala nito at isang bagay ang nagpatigil sa kanya ng makita ang ilang piraso ng damit na nagkalat sa paligid, marahan niyang niyuko ang polo shirt nito, neck tie at boxers habang ang mga damit ay patungo sa silid ng binata. Nagawi naman ang tingin niya sa isang pulang bra na nasa sahig kaya lalo siyang natigilan kasabay ng pagbagsakan ng kanyang mga luha,,, nanginginig ang mga kamay na pinihit niya pabukas ang pinto ng silid nito,, isang ungol ang lalong nagpatigagal sa kanya, isang ungol ng babae. Alam niya kung anong kaganapan ang nangyayari sa loob pero hindi parin matanggap ng kanyang sarili na ang binata ito. Agad niyang kinapa ang switch ng ilaw sa kwarto, halos matumba siya sa kinatatayuan ng lumiwanag ang paligid, bumungad sa kanya ang dalawang hubad na katawan ng tao na abala sa ginagawa, isang babae na nakahiga sa kama at ang lalaki na abala ang ulo sa p********e nito. Sabay na nagulat ang dalawa na agad napatingin sa kanya ,nang magawi ang mukha niya sa kasintahan ay lalong nagbagsakan ang mga luha niya. "Oh my god!!! who is her? ", "Sophia???", madali ang kilos ng binata habang hinahagilap ang pwedeng maitakip sa hubad na katawan nito, para siyang napako sa kinatatayuan habang tuloy tuloy sa pag agos ang kanyang mga luha, pakiramdam niya ay sasabog sa sakit ang dibdib niya, hindi niya akalain na ganito ang madadatnan niya, naramdaman niya nalang ang paghila nito sa braso niya palabas ng silid. "What are you doing here? s**t!!", "Anong ibig sabihin nito babe???, kasal na natin bukas", aniya sa pagitan ng pag iyak, "Look Sophia I'm sorry,, pero walang kasalan na mangyayari bukas",, halos gumuho ang mundo niya sa sinabi nito, nanginginig ang mga kamay na hinawakan niya ang braso nito,, marahil nagbibiro lang ito "Hindi!!!, nagbibiro ka lang diba?? pina prank mo lang ako!!!! kung prank toh hindi nakakatuwa!!! wag mo kong ganituhin babe please!!!!", "It's not a prank Sophia, I'm really really sorry pero hindi pa ko handang magpatali sayo,, it's over..", lalo siyang natigilan habang nakatingin sa mga mata nito,, seryoso ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya,, pero hindi parin kayang tanggapin ng kalooban niya "Wag mong sabihin yan please, hindi yan totoo", "Umuwi kana Sophia,, sinabihan ko na ang buo kong kamag anak about this,, please I'm so sorry", "No!!!!!,, hindi mo pwedeng gawin sakin to Kael!!!!,, diba nangako ka?? nangako ka na ako lang?? ako lang yung mamahalin mo at pangarap natin ang ikasal, bukas na yun, nakahanda na ang lahat", "Nagkamali ako Sophia,, please,, wag mo ng pahirapan ang sarili mo. Kalimutan mo na ko,,", "Hindi!!!, Noo,, noo please Kael!", habol niya dito ng akmang tatalikod ito, agad niya itong niyakap ng mahigpit saka humagulhol ng yakap sa binata,, naramdaman niya ang pag ganti ng yakap nito sa kanya kaya lalo siyang napa iyak, magagawa niya pa namang mapatawad ito dahil labis niya itong mahal. Wag lang siya nitong iwan,, muli napayugyog ang balikat niya sa pag iyak "Please babe, don't do this to me,, mahal na mahal kita", pakiusap niya marahan naman siyang inilayo nito sa pagkakayakap at hinarap,, "Hindi na kita mahal Sophia, matagal kong pinag isipan ito. Hindi ako nakatulog kakaisip tuwing gabi kung tama pa ba itong nararamdaman ko. Pero hindi ko kaya,, ayokong bandang huli parehas natin pahirapan ang isa't isa", "No!!!, hindi ako naniniwala!!!" "Umuwi kana at kalimutan mo na ko Sophia,,", huling wika nito saka marahan na kinuha ang isang braso niya, wala siyang nagawa ng akayin siya nito palabas ng unit nito, nanghihina na ang kalooban niya pero ayaw niyang sumuko dito "Kael please,,,", lumuluha na pagmamakaawa niya dito, hanggang sa makalabas siya ng silid nito,, "Wag mo na kong hintayin pa bukas dahil hindi ako darating,", "No hihintayin kita!!!, hihintayin kita sa simbahan kaya please dumating ka. Babe please", huling makaawa niya, malungkot na tiningnan lang siya nito at marahang isinara ang pinto. Pakiramdam niya ay nandilim ang paligid niya pagkasara ng pinto, muli nagbagsakan ang mga luha niya at agad kumatok sa pinto nito. Patuloy siyang nagmakaawa. "Kael please,, babe wag mong gawin sakin toh,, mahal na mahal kita!!! mamamatay ako pag nawala ka!", muling kalampag niya sa pinto nito, ngumit kahit anong gawin niya ay wala na siyang narinig na response nito. Hindi siya makapaniwala sa nangyari, nitong huli ay ok pa naman ang samahan nila ng kasintahan, parehas pa silang excited sa pag aasikaso ng kanilang kasal. Kahit abala sila pareho sa trabaho at pag aasikaso ng ibang bagay ay alam niyang hindi sila parehas nagkulang. Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit naging biglaan ang pagbabago ng desisyon nito. Agad niyang pinahid ang luha na naglandas sa pisngi, libo libong punyal ang nararamdaman niyang sumasaksak ngayon sa dibdib niya. Hindi niya parin lubos na matanggap na ganon nalang matatapos ang lahat sa kanila, limang taon sila nitong magkasintahan simula ng kolehiyo. Ito ang naging sandigan at karamay niya sa lahat, nangako ito na sabay nilang aabutin ang pangarap para sa bubuuin nilang pamilya kaya hindi siya makapaniwala na sa isang iglap ay guguho ang lahat ng kanilang pangarap. Muli siyang napagulhol ng iyak sa loob ng kanyang sasakyan, doon niya binuhos ang lahat ng sakit hanggang sa pakiramdam niya ay wala na siyang mailabas pang luha. Nang mag angat siya ng tingin sa labas ng bintana ay mag uumaga na, agad kumilos ang mga paa niya pabalik sa tinutuluyan na hotel. Alam niyang maghihintay doon ang make up artist niya, hindi siya mawawalan ng pag asa na magbago pa ang isip ng binata. Hindi nito agad itatapon ang parehas nilang pinaghirapan,, "Bes!!", nag-aalalang mukha ng kaibigan ang sumalubong sa kanya pagbalik niya ng hotel, agad hinanap ng paningin niya ang make up artist nila. "Uhm Bes, wait lang hah? m-maliligo lang ako", aniya pigil ang iyak, tatalikod pa sana siya ng pigilan nito ang braso niya, "Bes, san ka galing?? totoo ba na umatras si Kael sa kasal???", "Hindi!, darating siya Max,, may usapan kami at hindi niya ko bibiguin", "ano kaba???? lahat ng sponsors niyo naka receive ng tawag sa kanya na cancelled ang kasal", pakiramdam niya ay nanlambot ang tuhod niya, agad naman siyang naagapan ng kaibigan na naluluha na ang mga mata, puno ng habag itong nakatingin sa kanya,, "Hindi yan totoo,, pupunta parin akong simbahan! hihintayin ko siya doon,, gaya ng pinangako namin sa isa't isa", aniya dito saka ito tinalikuran,, buo na ang desisyon niya na maghintay. Alam niyang darating ito, hindi pwedeng hindi dahil kung hindi ay mamamatay siya. "Sophia ano ba!!!, tama na pagiging tanga!! wag mo ng dagdagan ang katangahan mo", narinig niya pang saad nito pero hindi na niya pinakinggan at agad na siyang nagtungo sa loob ng banyo. Kahit anong mangyari ay maghihintay siya sa simbahan, ipagdarasal niya na darating ito, na hindi siya nito matitiis at muling maalala nito ang pagmamahalan nila.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.4K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook