Ilang araw ang lumipas simula ng mangyari ang insedente sa pagitan nila ng Byenan. Nakahinga naman siya ng maluwag na hindi na ulit nanggulo sa kanila ang lalaki. Muling nagpatuloy ang buhay niya bilang si Isabel, hindi parin sila nakakapag usap ng Ginang. Kahit anong paliwanag ang gawin dito ni Liam alam niyang sarado na ang isip nito. Maaga naman siyang nakatanggap ng mensahe galing dito, may bisita raw ito at nais na sa bahay nila kumain ng tanghalian. Kinabahan naman siya, ito ang unang beses na tumawag ang Ginang sa kanya para sabihin na doon ito manananghalian kasama ng dalawang bisita raw nito. Wala siyang ideya kung sino ang kasama nito pero naghanda parin siya ng ilang pagkain para hindi mapahiya dito. Nagpatulong siya kay Manang Tess makapagluto ng ilang putahe, inalam niya rin

