Gabi na ng makauwi siya ng bahay nila, napahaba ang usapan nila ng kaibigan at nangako ito na tutulungan siya upang mahanap niya ang kakambal. Labis na siyang nag-alala dahil masyado na siyang natagalan, pagbaba niya ng garahe ay sumalubong agad sa kanya ang nag-aalalang mukha ni Nene "Mam Isabel, mabuti naman po at nakauwi na kayo", mangiyak ngiyak na bungad nito sa kanya, "Bakit? anong nangyari Ne?", "Sinugod po sa Hospital si Baby Bella, bigla po kase inapoy ng lagnat. Kanina pa po namin kayo tinatawagan pero naiwan niyo po itong cellphone niyo" sabay abot nito sa telepono niya, agad na siyang kinabahan sa sinabi nito, "Saang Hospital??", tarantang wika niya, matapos marinig ang sinabi nito ay mabilis siyang sumakay sa loob ng sasakyan, mabilis ang pagmamaneho niya habang tinatahak

