Hanggang sa makabalik sila sa tinutuluyan nilang Hotel ay nanatili siyang tahimik. Pinilit niya ang sarili na ikalma sa sitwasyon na nagpagulantang sa buo niyang sistema. Hindi siya si Isabel Martinez, dahil siya si Sophia Garcia. Hindi niya alam kung ano ang totoong nangyari sa pagitan nila ng kakambal, kung nasaan ito ngayon at kung paano napunta ang katauhan nito sa kanya. Buong akala niya ay magiging maayos na ang buhay niya sa muling pagkabalik ng kanyang alaala ngunit naging mas lalong magulo at komplikado ang lahat. Nakilala niya ang sarili sa katauhan ng kakambal, ilang buwan niyang pinaniwala ang sarili sa isang kahibangan. Muli siyang napahagulhol sa loob ng banyo, agad niyang binuksan ang shower para hindi nito marinig ang pag iyak niya. Ang asawa na nakilala niya at ang bata na

