Gabi na ng matapos ang Party ng kanilang Anak, sobra itong napagod kaya mabilis na nakatulog. Naging hyper din kase ang bata sa simula palang ng program idagdag pa ang pakikisalamuha nito sa karamihan. Unti unti naring nagpaalam ang kanilang mga bisita maging ang ilan nilang kaanak, inuna niya naman na iakyat na ang bata para mabihisan ito dahil tulog na. Kahit punasan niya ng maligamgam na towel ay hindi parin ito nagigising kaya napangiti nalang siya. Mukha namang nag enjoy din maigi ang bata kaya masaya siya, ngayon rin niya naramdaman ang pagod at gusto niya narin mahiga sa tabi nito.
Tapos na niyang suotan ng pantulog ito ng mapalingon siya sa pagbukas ng kanilang silid. Pumasok dun si Manang Tess at Nene bitbit ang may kalakihang box.
"Mam Isabel, sabi ng nagpadala netong regalo personal daw namin na iabot sainyo ni Bella", wika ng Ginang matapos maibaba ang box nilang bitbit, nagtataka na napalapit naman siya sa mga ito.
"Kanino galing yan Manang?",
"Sa Ninang daw po ni Bella, walang pangalan Mam e nakalagay lang Love Ninang", mataman niya pang pinagmasdan ang malaking box, sa lahat ng regalo na natanggap ng anak ay ito ang pinakamalaki. Itinabi na niya muna ito sa gilid at pinasya na bukas nalang bubuksan para anak niya ang unang makakita. Nagpaalam narin naman agad ang dalawa, wala parin ang Asawa niya marahil ay abala pa ito sa ilang bisita na naroon pa.
Tapos na siyang mag hot bath pero ramdam niya parin ang pangangalay ng balikat at likod niya. Nakakapagod ang buong araw pero sulit sa kasiyahan naman. Mataman niyang hinihilot ang balikat ng magitla siya sa pagdating ng Asawa, ito na ang nagtuloy sa ginagawang niyang paghihilot sa balikat niya.
"Let me do this Hon, I know you're tired", napangiti naman siya dito, sandali pa siyang hinilot nito kaya kahit papano ay nakaramdam siya ng ginhawa.
"Thanks Hon, I know you're tired too. Ikaw naman ang imamassage ko after mo mag hot bath", aniya pero humiga naman ito sa kama saka siya hinila palapit dito,,
"Thank you sa lahat ng effort na ginawa mo Hon, you're the best wife ever", natawa nalang siya dito, alam niyang hindi niya pa nagagawa ang best niya para sa kanyang Anak. Marami pa siyang pangarap para dito, mabilis lang ang araw at hindi nila parehas mamalayan ang paglaki ng bata.
"I'm not done yet Hon, marami pakong pagkukulang sa Anak natin at nagsisimula palang akong bumawi",
"Ako naman ang babawi sayo para makapag relax karin", napangiti nalang siya dito, next week naka schedule ang out of town vacation nila ng Asawa sa palawan. Excited narin naman siya pero nalulungkot siya na hindi nila kasama ang Anak, gusto raw kase nito na makapag solo sila ng Asawa ng ma sulit niya ang bakasyon.
"Manang update mo ko lagi kay Bella okay? tabihan niyo nalang po siya sa kwarto matulog naghahanap kasi yan ng kasama pag nagigising", paalala niya pa sa Ginang, napangiti lang ito saka muling tumango ilang beses na niya yata nahabilin dito ang tungkol sa bagay na yun, ngayong araw kase ang alis nila ng Asawa at tila nahihirapan ang kalooban niya na iwanan ang kanilang anak.
"Opo Mam wag po kayong mag-alala, mag-enjoy po kayo don ni Sir Liam at sana pagbalik niyo may bagong baby na", sabay hagikhik pa nito, napangiti nalang siya dito
"Hon let's go?", untag naman ng Asawa sa kanya mula sa labas ng pinto, pinasya nilang umalis na tulog ang Anak dahil kung gising ito ay mahihirapan silang makaalis. Tiyak na mag iiyak ito at sasama sa kanila.
"Manang aalis na kami, ang bilin ko hah? Nene?",
"Opo Mam, Ingat kayo Sir Liam",
"Salamat Manang, mauuna na kami", wika ng Asawa, sabay na silang lumabas ng bahay at nagtungo sa garahe. Lulan na sila ng byahe ng mapansin ng Asawa ang pananahimik niya, excited siya pero inaalala niya parin ang naiwang anak
"Hon what's wrong?",
"Hindi lang ako sana'y na maiwan si Bella, pero gusto ko rin naman na makapagrelax tayo pareho. Umaasa parin ako na babalik ang mga nawala kong alaala pag nakapagbakasyon tayo",
"Bumalik man o hindi ang mga alala mo, gusto kong wala paring magbabago sa samahan na sinimulan natin" seryosong wika naman nito kaya napasulyap siya dito,
"Kung ano man ang mga alaalang yun hindi non mababago ang samahan na sinimulan natin Asawa ko,," napangiti naman ito sa sinabi niya at marahang kinuha ang isa niyang kamay para hagkan, bahagya pa siyang kinilig sa ginawa nito. Bumalik man ang mga alaala niya ay hindi non mababago ang magandang samahan nila ngayon, pero sa tuwing maiisip niya yun ay kakaibang kaba ang nararamdaman niya. Hindi sana maapektuhan ng nakaraan niya ang samahan nila kung sakali mang bumalik ang mga alaala niya.
Mahigit isang oras din ang naging byahe nila bago narating ang pier papunta sa Isla ng Palawan, nasabik siya ng makita ang maasul at malinis na tubig ng dagat habang sakay sila ng ferry boat, tila hindi ito bago sa pakiramdam niya. Hapon narin ng makapag check in sila sa Hotel na tinutuluyan, sabik na nilibot niya ang tingin mula sa labas ng bintana. Pakiramdam niya ay nagawa na niya ito dati at sobrang nakakapagpagaan sa kalooban niya ang simoy ng dagat maging ang magandang tanawin. Sa susunod talaga ay isasama na niya dito ang bata para maenjoy din nito ang ganda ng tanawing nakikita niya. Naramdaman niya pa ang bisig ng Asawa na yumakap mula sa likuran niya,
"This is relaxing, matagal rin akong nagpalano ng ganitong bakasyon kasama ka. Atlast natuloy rin", napangiti na humarap naman siya dito at pinulupot ang braso sa leeg nito.
"Let's enjoy ourselves together Hon, alam kong matagal nating hindi nagawa toh", aniya, mabilis naman na bumaba ang mukha nito sa labi niya at agad siyang siniil ng halik, tinugon niya lang ang mainit na halik na asawa hanggang sa parehas nilang narating ang malawak na kama. Napatili pa siya ng buhatin siya nito at agad na inihiga,
"Masarap ngayon panoorin ang sun set", paalala niya dito habang abala ito sa paghalik sa leeg niya, gustong gusto niya panoorin ang paglubog ng araw kaya ayaw niyang ma miss out ito ngayon baka parehas silang mawili dito sa loob ng kwarto at gabi na makalabas, nakangiti na humarap naman ito sa kanya,
"Let's go," napangiti siya ng alalayan siya nito na muling tumayo ng kama, sandali pa siyang hinintay nito na makapagpalit ng masusuot. Sinapawan niya lang ng maong na short ang swim suit na suot, napataas lang ang kilang ng Asawa ng makita ang paglabas niya ng banyo,
"What? hindi lang natin panunuorin ang sun set gusto ko rin mag tampisaw sa dagat Hon at kumuha ng maraming pictures",
"Okay let's swim then, masarap ngayon maligo dahil hindi na masyadong malamig ang tubig at sikat ang araw", wika nito sabay akbay sa kanya, napangiti pa siya ng makita na dala nito ang digi cam nila, sabik na siyang kumuha ng larawan hanggang sa makalabas sila ng hotel. Lahat yata ng maganda sa paningin niya ay agad niyang kinukuhanan ng larawan.
Muli niya ulit hinawakan ang camera at kinuhanan ang papalubog na araw habang nasa dalampasigan sila. Pinagmamasdan lang siya ng Asawa sa ginagawa niya, maging ang magkahawak kamay nilang kamay ay hindi nakaligtas sa litrato niya.
"Hon tayo ka dun, I'll give you a perfect shot", aniya pa dito, natawa lang ito sa kanya at sinunod rin ang sinabi niya, napangiti pa siya matapos itong makuhanan ng litrato. Napahanga na naman siya sa kagwapuhan nito, minsan iniisip niya kung paano nagkagusto sa kanya ang kagaya nito.
"Why? Let me see??",
"Okay na, pwede ka ng maging model ng bench at ako ang magiging manager mo", nakangising saad niya kaya napatawa lang ito habang tinitingnan ang kuha niyang litrato,
"Ang dami ko ng kuha, ikaw naman ang pipicturan ko",
"Ayoko Hon!, wala akong talent humarap sa camera. Hindi ko nga mapaniwalaan ang sinabi mo na minsan akong naging modelo", natigilan naman ito sa sinabi niya, habang abala siya sa pagtingin ng mga nakuhang larawan
"That was you're hobby before Isabel,,",
"Well that was in my past,, sa susunod isama na natin si Bella dito huh?? gusto kong ma enjoy ang beach kasama siya", napangiti naman ito saka muling tumango,
"Ofcourse, babalik ulit tayo dito with Bella", lumapad naman lalo ang pagkakangiti niya dito, naglalakad lakad pa sila at ito naman ang humawak sa camera, napapailag pa siya dito sa tuwing palihim siya nitong kukuhanan ng litrato. Pinakaayaw niya talaga ang magpa pictures, gusto niya lang kumuha ng larawan pero ang humarap sa camera bibihira lang malayo sa kinukwento nito na hilig niya ang mag pictures with pause pa. Hindi niya alam kung bakit hindi niya dama gawin ang bagay na yun ngayon, minsan napapaisip siya kung normal ba na nawala ang mga interes niya noon ngayong nawala ang alaala niya?
"Hon stop it! ang chaka ko dyan!",
"Hindi kaya, see??", akmang aagawin niya dito ang camera pero mabilis naman nitong iniwas, alam nito na buburahin niya lang iyon hanggang sa nauwi sila sa habulan, para silang bata na naghahabulan sa dalampasigan. Karamihang kuha kase nito sa kanya ay puro stolen at nasasagwaan siyang makita yon. Nagitla pa siya ng bigla siya nitong kargahin at dalhin sa tubig.
"Liam!! wag!! mababasa ang camera natin!!! masisiraaa!!!", hiyaw niya pa dito,. pero huli na dahil nasa tubig na sila pareho. Tawa lang ito ng tawa habang siya ay alalang alala sa camera nila, agad niya itong nahila sa tenga,,
"Ouch! Hon that was water proof,, my ears", natawa naman siya dito saka hinimas ang namula nitong tenga
"Ikaw kase, hindi mo naman sinabi agad",
"Let's selfie here,,", saad pa nito saka itinaas ang hawak na camera, wala na siyang nagawa ng hilahin siya nito palapit sa katawan nito. Ilang click pa ang ginawa nito bago tumigil.
"That's enough! ayoko na", patawa tawa lang ito habang nakasunod sa kanya, tuloy parin ito sa ginagawang pagkuha sa kanya ng litrato kahit nakatalikod na siya. Napapailing nalang siya sa kakulitan ng Asawa, pakiramdam niya tuloy ay para silang bagong magjowa na nagkukulitan.
Madilim na ng maisipan nilang kumain sa Restaurant, batid nito na may allergy siya sa sea foods kaya ibang putahe ang inorder sa kanya ng Asawa. Puro veges ang inorder nitong pagkain niya na may halong karne habang dito naman ay ang paborito niyang Spicy crab, sweet & spicy squid at buttered garlic shrimp.
"Really Hon??", bulalas niya dito matapos mailatag sa harapan nila ang mga pagkain,
"Try this pumpkin soup Hon, masarap toh", nakangiti pang wika nito sa kanya, agad lang siyang dumampot ng calamares at mabilis na isinubo iyon sa bibig. Pinanlakihan lang siya nito ng mata
"Hindi ka pwede niyan, remember last time na napuno ka ng pantal??",
"Bakit naman kase inorder mo yung mga favorites ko? tapos etong pagkain ko?", napapanguso niyang saad, halos matawa naman ito sa reaksyon niya
"It's my favorite too, actually our favorite kaso I'm sorry Hon,, hindi ka pwede wala tayong baon na gamot",
"I have one", nakangisi niyang wika dito, mabilis niyang dinampot ang grilled pusit at inilagay sa plato , wala naman itong nagawa dahil natatakam talaga siya. Panay pa ang awat nito sa pagdampot niya ng butter garlic shrimp pero ayaw niya talaga magpa pigil. Matapos nilang kumain ay agad na siyang pinainom nito ng gamot sa allergy bago pa siya tubuan ng mga pantal, gustong gusto niya talaga ang pagiging maalaga at maalalahanin nito pagdating sa kanya kaya lalo siyang napapamahal dito.