"Congratulations Ms. Garcia,, excited nakong makatrabaho ka ulit with the Team,,", nakangiting wika ni Mr. Salcedo ang Head Engineer nila at kinamayan pa siya nito. Sandali silang nagshake hand bago pinagpatuloy ang lunch out meeting nila para personal siyang icongratulate. "Thank you Sir", may ngiti ring sagot niya. Matapos niyang maasikaso ang ilang papers niya ay agad naman siyang pinabalik sa trabaho. Hindi siya binitawan ng kumpanyang may hawak sa kanya kaya pinagpatuloy niya nalang ang naiwan na trabaho dito, ayaw rin kase ng kaibigan na magkahiwalay sila ng pinapasukan . Inabala niya ang sarili para maibsan ang kalungkutan sa puso niya, habang nalipas ang mga araw at linggo sa pagiging abala ay unti unti na niyang natatanggap ang lahat ng mga nangyari. Pero hindi parin makalimutan

