Part 3

1786 Words
Agad siyang napatayo sa kinauupuan matapos makatanggap ng tawag galing sa isang Hospital, nagmamadali niyang dinampot ang coat na nakasabit sa gilid at agad iyon isinuot. Binundol na siya ng kaba habang mabilis ang mga paa palabas ng kanyang opisina. Ilang araw siyang nilayasan ng asawa at hindi niya mahanap kung saang lugar ito nagpunta, hinayaan niya muna itong makapag isip dahil alam niyang babalik din ito pero hindi niya akalain na ang susunod na mangyayari ay mababalitaan niyang nasa hospital ito. "Liam where are you going?, mag iistart na ang meeting in few minutes", wika ni Agatha, ka business partner niya ng makasalubong siya nito sa hallway "I have an emergency, natagpuan ko na si Isabel", "What??", hindi na niya ito pinansin pa at nagmadali ng sumakay sa loob ng elevator, hindi man naging maganda ang pagsasama nila ng kanyang asawa ay hindi parin siya nawawalan ng pag-asa para dito. Ito parin ang ina ng kanyang anak at ayaw niyang lumaki ito na walang makagisnang ina, hindi niya pinangarap ang magkaroon ng wasak na pamilya. Binabaybay na niya ang daan papuntang probinsya ng Cavite kung saan naka confine ang asawa, sa pagkakataong ito hindi na niya hahayaan pa ito gagawin niya ang lahat upang maging maayos ulit ang pagsasama nila. Mahigit dalawang oras din ang naging byahe niya bago narating ang nasabing Hospital. Agad siyang nagtungo sa information area para hanapin ang room ng asawa. "I'm the husband of Isabel Martinez, kakatawag lang sakin ng staff kanina na dito naka confine ang asawa ko", hinihingal na saad niya dun sa front desk, agad naman nitong cheneck ang record. Madali ang mga paa niya matapos nitong maibigay ang room number ng Asawa, nang buksan niya ang pinto ay natigilan pa siya ng makita ito na nakalatay sa kama habang may benda ang ulo. "Isabel,,", mahinang tawag niya dito saka marahan na lumapit papunta sa gawi nito, nanghihina na napaupo siya at kinuha ang isang kamay nito, bakas sa mga braso nito ang ilang mga pasa at gasgas, maging sa mukha nito ay may iilan ding sugat hindi niya alam kung ano ba talagang nangyari dito. Bigla nalang itong umalis ng walang pasabi, alam niyang hindi na ito maligaya sa piling niya pero hindi niya magawang bitawan at palayain ito ng ganon kadali dahil iniisip niya parin ang anak nila. Napalingon naman siya sa pagbukas ng pinto at pumasok doon ang isang Doctor, agad naman siyang napatayo, marahil ito ang doctor ng Asawa. "Are you the patient's relative?", "Yes Doc, I'm Liam Martinez, her husband", aniya at muling sumulyap sa wala paring malay na Asawa, "I'm Doctor Cruz, Nagising na siya kanina but I think some of her memories are lost, she could not remember who she was at iyak lang siya ng iyak. Temporary binigyan namin siya ng pampakalma cause she have a traumatic accident and magsasagawa pa kami ng ilang test", "Babalik din ba agad ang ala-ala niya doc?", "Yes, we have same cases like her, maybe months or weeks unti unti rin babalik ang ilang memories niya, for now kailangan muna nating obserbahan ang pasyente", nakahinga siya ng maluwag matapos marinig ang sinabi nito, ang mahalaga sa kanya ay ligtas na ito. Matapos nilang makapag usap nito ay nagpaalam narin agad ang Doctor. Nahagip ng tingin niya ang ilang gamit ng Asawa na nakapatong sa lamesa. Mula sa wallet nito at ang wedding ring nila, dinampot niya ito at agad bumalik sa kinauupuan. Marahan niyang kinuha ang kamay ng Asawa at isinuot doon ang singsing nila. Minsan gusto na niyang sumuko sa samahan na meron sila, gusto na niya itong palayain pero ngayong nakita niya ang kalagayan nito ayaw na ulit ng kalooban niya na bitawan ito. Gusto niyang magsimula ulit sila kasama ng kanilang anak. Hinawakan niya ulit ang kamay ng asawa at ginawaran iyon ng halik. Tuluyan ng nagbagsakan ang mga luha niya, sa kabila ng lahat ay may pagmamahal parin siya dito kahit hindi na naging maayos ang samahan nila bilang mag asawa. Napamaang pa siya ng biglang gumalaw ang mga daliri nito, "Isabel??, gising kana ba??", Nang magdilat siya ay muling umikot ang paningin niya, pero may naramdaman siyang tao sa gilid niya habang hawak hawak ang isa niyang kamay. Nang sulyapan niya ito ay unti unting naging malinaw ang paningin niya.  "Isabel",, nakangiting bungad nito sa kanya habang namamasa ang mga mata, napatitig lang siya dito hindi niya kilala kung sino ito. Kusang nagbagsakan ang mga luha niya, nang magising siya kanina ay wala siyang maalala, tanging sakit sa kanyang dibdib ang naiinda niya at kasabay ng pagbagsakan ng kanyang mga luha. Hindi niya alam kung ano ng nangyayari sa kanya. Naramdaman niya nalang ang pagyakap sa kanya ng lalaki,, "I'm so sorry,, please don't cry.. Nandito na ko,, hindi na kita papabayaan", wika pa nito sa kanya, muli lang siyang napatitig dito habang abala ito sa pagpupunas ng kanyang pisngi. "S-Sino ka ba??", natigilan naman ito at napatitig sa kanya, sandaling bumaba ang tingin nito at kinuha ang dalawa niyang kamay. "Ako ito si Liam,, ang asawa mo", wika nito kasabay ng pagbagsakan ng mga luha nito, tila ngayon pa lang siya nakakita ng lalaking umiiyak sa harapan niya. Pero hindi niya talaga maalala kung sino ito sa buhay niya,, may asawa na siya?? "A-Asawa??", Sunod sunod ang ginawang pagtango nito at hinaplos ang pisngi niya. "Babalik din ang ala-ala mo, maaalala mo rin ang lahat Isabel. Ako ang asawa mo at naghihintay pa sayo ang anak natin", lalo siyang napamaang sa sinabi nito, may anak sila?? "A-Anak??", Muli naman na tumango ito,, wala siyang maalala at hindi niya alam kung ano ang irereak. Naipikit niya lang ang mga mata bakit kahit anong gawin niya ay hindi niya maalala. Ang lalaking ito na asawa niya at ang sinasabi nitong naghihintay sa kanyang anak,, bakit hindi niya maalala??? hanggang sa muling nagbagsakan ang mga luha niya,, "W-Wala akong maalala,, b-bakit wala??? bakit hindi ko kayo maalala???", umiiyak niyang saad dito,, napahawak na siya sa kumikirot na ulo, sumasakit lang ito pero walang binibigay sa kanya kahit isang alaala o imahe man lang. "Isabel calm down,,", alo nito sa kanya kaya napatitig siya dito,, "I-Isabel??", ulit niya, bakit pakiramdam niya ay medyo pamilyar ang pangalan na ito sa kanya??, tumango naman ito sa kanya, "Ikaw si Isabel, hindi mo man kami ngayon maalala handa akong ipaalala sayo ang lahat,, hindi na kita papabayaan pa", naluluhang saad nito saka siya marahan na niyakap, nagbagsakan lang ulit ang mga luha niya,, Siya si Isabel?? pero bakit??? kahit anong pilit niya hindi niya maalala kung sino siya. Muling pinunasan nito ang pisngi niya na lulan ng luha saka ito ngumiti sa kanya. "Magpahinga kana ulit,, magsasagawa ng ilang test ang mga Doctor para sa fully recovery mo,, wag kang mag alala dahil babalik din ang mga nawala mong alala", malumanay na saad nito habang hinahaplos ang palad niya, hindi parin siya makapaniwala na ang lalaking ito ay asawa niya. Hindi lang iyun dahil may anak din daw sila, bigla tuloy siyang nasabik na makita ito,, sana lang ay bumalik na ang ala-ala niya ng hindi siya nahihirapan ng ganito. Akmang tatayo ito ng agad niyang pigilan ang isang kamay nito. Bigla umahon ang kakaibang kaba sa dibdib niya na aalis ito, bigla siyang natakot na mag isa. "W-Wag mo kong iwan", garalgal ang tinig na saad niya dito, nagbabadya na naman sa pagbagsak ang mga luha niya, balot sa takot ang puso niya at yun ang nangingibabaw ngayon sa kanya,, napatitig naman ito sa kanya na tila nagulat sa sinabi niya,, "Hindi kita iiwan Isabel,, pupuntahan ko lang ang Nurse Station dahil paubos na ang dextrose mo", napailing naman siya dito, bakit pakiramdam niya anumang oras ay magagawa siya nitong iwan at iyon ang tinatangis ng kalooban niya. Nagulat pa siya ng bigla siyang hagkan nito sa noo, "Babalik agad ako, okay?", natulala lang siya dito ng ngumiti ito, hindi niya pa sana bibitawan ang kamay nito pero makirot na ang ugat niya. Sinundan niya lang ito ng tingin habang papalabas ng kanyang silid, nahagip pa ng tingin niya ang singsing sa kanyang daliri. Ang wedding ring nila?? napapikit siya ng ilang imahe ang nakita niya. Marahang isinusuot ng isang lalaki ang singsing sa kanyang daliri, malabo ang mukha nito at hindi niya maaninag pero ramdam niya ang kasiyahan habang suot suot sa daliri ang singsing. Ito ba ang ilan niyang ala-ala? napanatag siya ng pagbukas ng pinto ay pumasok doon ang Asawa na napangiti pa sa kanya. Kasunod nito ang Nurse na may bitbit na dextrose, agad nitong inasikaso ang pagpalit ng lagayan. "Wala nabang masakit sayo? may iba kapa bang dinaramdam?", tanong ulit nito ng makalapit sa tabi niya, pinagmasdan niyang maigi ang kabuuan ng gwapong mukha nito, mula sa makapal nitong kilay at pilik mata, ang magandang hugis ng mga mata nito at matangos na ilong. Maging ang mapupula nitong mga labi,, malabo ang imahe ng lalaki sa alaala niya na nagsuot sa kanya ng singsing pero marahil ay ito iyon. Paano niya nagawang makalimutan ito?? "Isabel?", nag aalalang untag nito sa kanya kaya napailing lang siya. Masakit ang buong katawan niya pero wala ng mas sasakit ang takasan ka ng ala-ala at tanging sakit sa puso ang nararamdaman niya. Hindi niya alam kung bakit pero marahil may kaugnayan ito sa nakaraan niya na hindi maalala. "Okay nako,, kailangan ko lang ng pahinga", "Pag okay na ang lahat uuwi na tayo", marahan na napatango lang siya dito, napanatag siya sa kaalaman na meron pa siyang mauuwian sa kabila ng kanyang kondisyon. Nang makatulog ang asawa ay muli niyang inayos ang kumot nito. Nakatanggap siya ng tawag sa isang pulis na may hawak sa kaso ng Asawa. Hawak nito ang cctv footage kung saan nangyari ang aksidente. Sandali silang nag usap nito sa labas ng silid, halos manlambot ang mga tuhod niya matapos mapanuod ang video kung saan nagtangka ang asawa na magpakamatay. Hindi niya agad tinapos itong panuorin, "Hindi namin nakuhanan ng pahayag ang taong nagligtas sa kanya Sir, pero mabuti nalang at nagawa nitong mailigtas ang Misis niyo", napatango lang siya dito, hindi niya akalain na magagawa ito ng Asawa. Walang siyang alam na may matindi itong problema na aabot sa pagtatangkang pagpapakamatay. Matapos nitong makuha ang ilan niyang detalye ay nagpaalam narin ang mga ito. Muli siyang bumalik sa silid ng Asawa at pinagmasdan ang maamong mukha nito. Napabayaan niya ito ng maigi na hindi niya man lang nagawa na alamin ang saloobin nito. Wala siyang ibang sinisisi ngayon kundi ang sarili. Ngayong ligtas na ito ay gagawin niya ang lahat upang makabawi dito, pagsisikapan niya ulit na hindi pabayaan ang samahan nila dahil ayaw niyang mawala ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD