Mabilis ang lakad niya pabalik sa lugar na pinag-iwanan niya kay Max at Bella, naiwanan niya sa Restaurant ang kanyang pouch kaya sandali niya iyong binalikan. Habang naglalakad ay nadako ang tingin niya sa labas ng lobby, isang babae ang naglalakad papasok sa entrance ng building ang naagaw ng pansin niya. Lalo niyang binilisan ang paghakbang upang masalubong ito sa entrance, agad umahon ang kaba sa dibdib niya ng habang papalapit ay unti unti niyang nakikilala ang kabuuan nito. Nakasuot ito ng shade na agad nitong inialis habang abala sa hawak na telepono, nang tuluyan siyang makalapit dito ay saka nag-angat ng tingin ang mukha ng babae. Nang magtama ang tingin nila at natitigan ang isa't isa ay pakiramdam niya nakaharap siya sa salamin. Iisang features ang kabuuan ng mukha nila,,, "Isa

