"M-Mike? Na-Nasaan 'yong may-ari nitong kompanya?" nagtatakang saad ko kay Mike. Hindi kasi ako makapaniwala na sa kanya ito dahil wala naman siyang sinasabi sa akin. "Uhm, Sir, Miss, maiwan ko na kayo," pagpapaalam ni Tapxie Logan. Umalis na ito kaya pumasok ako sa loob at hinanap ko ang owner ng construction company. At baka, nagkukunyari lang si Mike. Binuksan ko ang cabinet na naroon. Tiningnan ko ang silong ng bawat mesa at upuhan. Pati, ref ay binuksan ko rin, ngunit walang kasama roon si Mike. "I'm sorry, Honey dahil nagsinungaling ako, sa 'yo," aniya sa akin. Hinalukipkip ko ang dalawang braso ko. "Ba't kasi kailangan mo pang magsinungaling sa akin. Akala ko ba, true friend kita. Tapos, ipapasok mo pa ako. Hays, sa iba na lang ako maghahanap ng trabaho, mabuti pa dahil nilo

