Isinarado ko ang pinto ng kotse baka may makakita sa amin. Agad kong binuhat ang kambal ko mula sa bilao upang ilipat sila sa upuhan nang bumukas ang pinto ng driver seat dahilan upang kabahan ako. Ngunit nang nagulat ang lalaki nang makita ako sa front mirror. Lumingon siya sa akin. "Who are you?" untag nito. "Ba-Bakit may dala kang baby? Kidnapper ka ba, ha?" sunod-sunod pa na tanong niya sa akin. "Hu-Huwag kang maingay at hi-hindi ako kidnapper, Manong. Itong mga anak ko, kukuhanin sila sa akin ng tatay nila," kabadong saad ko. Hindi ko alam kung paniniwalaan niya ako, pero bahala na. "Hindi ka ba nababaliw, Miss? Kung anak mo ang mga iyan, ba't nilagay mo sila sa bilao?" gagad nito sa akin. "Dahil hindi ako palalabasin ng guard kapag lumabas ako na dala ko mga anak ko,"paliwana

