"Walang magagawa ang pag-iyak mo, kaya mas mabuti pa na pirmahan mo na lahat ito," saad ni Daniel sa akin. Nilabas nito ang mga dokumento at ibinigay iyon sa akin. Nanginginig naman ang mga kamay ko na kinuha iyon. "Ang isipin mo na lang ay ang kapakanan ng anak natin, Ms. Cruz, hindi ang pride mo," sambit pa niya sa akin. Gusto kong kusutin iyon at punit-punitin pero, magbabayad ako ng isang daang libong piso. Ang talino ng Daniel para gawin niya sa akin ito! Kinuha ko ang ballpen na hawak niya at lahat na may kalakip na pangalan ko roon ay pinarmahan ko. Nang matapos kong sulatan iyon ay kinuha iyon sa akin ni Daniel. "Masaya ka na ba, ha? Masaya ka ba na sinasaktan mo 'ko ng ganito!" bulalas ko. "Oo! Hindi ba't masaya ka rin naman noong iniwan mo 'ko? Kaya, amanos lang tayo. At ma

