Bumaba si Daniel at pinagbuksan ako nhg pinto. Hindi pa man ako nakababa nang sugurin ako ni Alena. "Hay*p kang babae ka!" bulalas niya sa akin. Kakalmutin niya sana ako ngunit humarang si Daniel sa aking harapan. "Stop it, Alena! stop it!" saway ni Daniel sa kanya. "Talagang inuwi mo babaeng 'yan dito, Daniel! And what the Fvck! She's pregnant and who is the father? Ikaw ba, ha! Ikaw ba!" sigaw niya kay Daniel. "Oo, Alena! Kaya tumigil ka na dahil palalabasin kita wala sa oras dito sa pamamahay ko! At huwag na huwag mong masasaktan si Tina dahil ako makalalaban mo," banta ni Daniel. "Damn you, Daniel! Sa dinami-rami ng babaeng bubuntisin mo ay siya pa talaga! How could you do this to me! How!" sampal niya kay Daniel. "Hindi ako pumapatol sa babae, Alena, and you know that. B

