Tina's POV "Ayokong sumama sa' yo, Daniel. Pabayaan mo na ako!" nagsisisigaw na saad ko nang makapasok kami sa hotel. "Ngayon din ay babalik tayo sa Maynila para hindi mo na 'ko takasan," sambit niya sa akin. Kinuha niya ang kanyang mga gamit at muli kaming lumabas. Ibinalik niya ang key card sa receptionist. At sumakay kami sa kotse niya. "Iyong mga gamit ko, Daniel, kukunin ko," saad ko subalit tinapunan lang niya ako ng tingin. "Daniel," sambit ko. "Tumigil ka! Alam ko na may binabalak ka na naman, kaya huwag ka nang magtangka pa! Iyong mga gamit mo, mapapalitan ang mga 'yon!" gagad niya sa akin. Hindi na ako nagsalita dahil ang hirap niyang kausapin. Mabuti na lang at nasa bulsa ko ang wallet ko na naglalaman ng atm card at ilang pera. Nasa bulsa ko rin ang cellphone, kaya an

