"Anong gagawin natin, Mike? Tiyak na hindi nagbibiro si Daniel na ipapaabot niya sa husgado ang paghingi niya ng karapatan niya sa mga kambal," Hindi mapakaling saad ko, habang nakasakay na kami sa kotse. Hindi naman umimik si Mike. Bagkus ay huminga siya nang malalim. "Mike," sambit ko. "Ano ba pinag-usapan n'yo ni Daniel? Saka, ba't doon ka napadpad? May candy ba roon?" gagad niya sa akin. "Hinila niya ako, eh! Akala ko nga, kung sino ka. Tapos, siya pala at iyon nga na nakikiusap siya sa akin na ipakilala ko sa kanya mga anak niya," pahayag ko. "Then, ano'ng sabi mo sa kanya?" tanong ni Mike. "Sabi ko na, mabait lang siyang magsalita dahil may kailangan siya sa akin, eh," depensa ko. "Natural lang naman talaga na makikiusap siya sa 'yo. Alangan naman na aawayin ka niya. Saka

